^

Bansa

‘Reconstruction Czar’ kailangan ng Pinas

Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kailangan ng Pilipinas ang isang mahusay at epektibong Reconstruction Czar para makaba­ngon ito sa matinding pinsalang dulot ni Monster Supertyphoon Yolanda.

Kaugnay nito, ipinanukala ni Albay Gov. Joey Salceda na si Presidential Management Staff head, Secretary Jose Almendras ang maging Reconstruction Czar na siya na ring magiging coordinator ng mga pledging sessions para makalikom ng pondo mula sa ibang bansa at mga global financial institutions para sa rehabilitasyon ng bansa.

Ipinanukala din ng gubernador na i-centralize ang humanitarial relief and early recovery operations sa ilalim ng tanggapan ni Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Dinky Soliman.

Batay sa pagsusuri ng Kinetic Analysis Corp, sinabi ni Salceda na da­ting research director ng UBS Warburg, na ang pinsalang iniwan ni Yolanda sa ekonomiya ng Pilipinas ay aabot sa P604 bilyon o 5% ng gross domestic product (GDP) nito at katumbas ng US$14 bilyon.

Ang nakakalulang halaga ay tatlong beses na higit na malaki kaysa sa magkakasamang pinsalang iniwan ni Typhoons Pepeng at Ondoy. Dahil sa makakasabay pa nito ang kailangan rehabilitas­yong mula sa perwisyong dulot ni Typhoon Pablo, ang MNLF siege sa Zamboanga City at ang 7.2 magnitude na lindol sa Bohol, aabot sa P664 bilyon ang kakailanganin kapag pinagsama-sama sila.

Ayon kay Salceda na siyang co-chair ng US$100-billion Green Climate Fund (GCF) ng United Nations Framework Convention on Climate Change, sisikapin nilang mapasimulan agad ang programa ng Fund sa 2014 at makatulong sa pagpapasulong ng kakayahan ng Pilipinas laban sa  climate change, dahil si Yolanda ay likha ng climate change.

vuukle comment

ALBAY GOV

CLIMATE CHANGE

GREEN CLIMATE FUND

JOEY SALCEDA

KINETIC ANALYSIS CORP

MONSTER SUPERTYPHOON YOLANDA

PILIPINAS

PRESIDENTIAL MANAGEMENT STAFF

RECONSTRUCTION CZAR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with