^

Bansa

Obispo naawa sa pamilya ng Maguindanao victims

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Awa at hindi pagkadismaya ang naramdaman ni Lingayen-Dagupan Archbishop Emeritus Oscar Cruz sa ulat na may mga kamag-anak ng mga biktima ng Maguindanao massacre ang nakipag-areglo sa pangunahing mga suspect sa krimen kapalit ng pera.

Ayon kay Cruz, naiintindihan niya ang mga kamag-anak ng mga biktima dahil maaaring nawawalan na ng pag-asa ang mga ito na makamtan ang katarungan dahil sa napakabagal na pag-usad ng kaso.

Indikasyon lamang ito na pambihira talaga ang justice system sa Pilipinas.

Sa katunayan umano mas dismayado si Cruz sa pamahalaan dahil hindi ito seryoso na mapanagot ang mga salarin sa karumal-dumal na krimen at hindi alam ang gagawin.

Hinimok naman ni CBCP-NASSA chairman Manila auxiliary Bishop Broderick Pabillo ang administrasyong Aquino na bigyan ng espesyal na atensiyon ang Maguindanao massacre para makamit ang katarungan na matagal ng inaasam-asam ng pamil­ya ng mga nasawi.

Sinabi ni Bishop Pabillo na talagang mali na magpaareglo pero ang pamahalaan ang nagbibigay ng dahilan dahil sa mabagal na pag-prosecute sa mga suspek.

Iginiit naman ni CBCP-Espiscopal Commission on Prison and Pastoral Care executive secretary Rudy Diamante na patuloy na nakaamba ang areg­luhan habang tumatagal ang kaso at mga makakapangyarihan ang sangkot dito. 

 

vuukle comment

BISHOP BRODERICK PABILLO

BISHOP PABILLO

CRUZ

ESPISCOPAL COMMISSION

LINGAYEN-DAGUPAN ARCHBISHOP EMERITUS OSCAR CRUZ

MAGUINDANAO

PRISON AND PASTORAL CARE

RUDY DIAMANTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with