^

Bansa

Medical mission sa Pablo victims naaksidente: 6 doktor, 1 pa sugatan

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pito katao kabilang ang anim na doktor ang nasa kritikal na kondisyon matapos na mabahiran ng trahedya ang isasagawa sanang medical mission sa mga sinalanta ng bag­yong Pablo nang aksidenteng bumaligtad ang sinasakyan ng mga ito sa Baganga, Davao Oriental.

Sa phone interview, sinabi ni Major Jacob Thaddeus Obligado, Chief ng Army’s 10th Civil Military Operations Battalion, naganap ang sakuna sa kahabaan ng national highway ng Brgy. Saoquigue, Baganga bandang alas-4:15 ng hapon.

Kinilala  ang mga nasugatan na sina Dr. Nic Cantero, Dr. Almatin Dimaucom, Dr. Nor-Avin Salic, Dr. Junnah Ma­ngacoy, Dr. Grace Espinosa, Dr. Tahir Sahalic at ang driver na si Tuy Pangilan.

Bukod kay Dr. Sahalik, lahat ng biktima ay nasa kritikal na kondis­yon.

Base sa imbestigasyon, ang nasabing mga doktor ay mula sa Provincial Health Office ng Maguindanao na magsasagawa sana ng medical mission sa Incident Command Post (ICP) sa bayan ng Baganga, isa sa tatlong bayan sa Davao Oriental na maraming nagkasakit na evacuees at ng iba pang naapektuhan sa pananalanta ni Pablo mahigit dalawang linggo na ang nakalilipas.

Lumilitaw sa pagsisiyasat na may iniwasang motor ang kulay itim na Pajero na sinasakyan ng mga biktima habang bumabagtas ang mga ito sa national highway ng nasabing lugar na nagbunsod sa pagsalpok sa puno ng behikulo.

Sa lakas ng pagkakabangga ay bumaligtad pa ang behikulo na halos nayupi sa insidente na  ikinasugat ng mga biktima kabilang ang anim na doktor, lima rito ay nasa kritikal na kondisyon gayundin ang driver na sibilyan.

vuukle comment

BAGANGA

CIVIL MILITARY OPERATIONS BATTALION

DAVAO ORIENTAL

DR. ALMATIN DIMAUCOM

DR. GRACE ESPINOSA

DR. JUNNAH MA

DR. NIC CANTERO

DR. NOR-AVIN SALIC

DR. SAHALIK

DR. TAHIR SAHALIC

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with