PDEA may ayuda sa Sokor
MANILA, Philippines - Tumanggap ng P12.5 milyon halaga ng donasyon ang pamunuan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) mula South Korea para makatulong sa pagpapatindi ng kampanya laban sa iligal na droga.
Sa isang simpleng seremonya sa Quezon City, tinanggap ni PDEA deputy Chief Arturo G. Cacdac Jr. ang 2 brand new AUV, Information and Education Campaign (IEC) materials, television sets, computer sets at mga office equipments para sa naturang ahensiya mula kay Dir. General Ju Cheol-Hyeon ng Narcotics and Organized Crime Department ng South Korea.
Ayon kay Cheol-Hyeon, ang kanilang grupo na counterpart ng PDEA ay mananatili pa sa loob ng walong buwan sa Pilipinas para magsagawa ng anti-drug awareness campaign sa mga public schools sa bansa.
Sinabi naman ni Cacdac na estratehiya ng PDEA na masugpo ang mga lumalabag sa batas at labanan ang pagkalat ng illegal drugs sa pamamagitan ng pagbigay ng kaalaman sa mga kabataan, sa publiko at matatanda para labanan ito.
- Latest