US hindi sinasadyang idamay ng PHL sa gulo sa China- PNOY
WASHINGTON, D.C.-Nilinaw ni Pangulong Benigno Aquino III na walang intensiyon ang Pilipinas na idamay ang Amerika sa gulong kinakasangkutan ng Pilipinas sa ating rehiyon partikular sa China.
Ginawa ng Pangulo ang paniniyak sa kaniyang talumpati sa harap ng US-Philippines Society sa Mandarin Oriental Hotel.
“It is not our intention to embroil the United States in military intervention in our region,” sabi ng Pangulo na aminadong kabilang sa pag-uusapan nila ngayon ni US President Barack Obama ay ang tensiyon sa pagitan ng Pilipinas at ng China.
Tiniyak ng Pangulo na matibay ang paninindigan ng Pilipinas sa Philippine Exclusive Economic Zone at mahalagang sumunod ang People’s Republic of China sa ASEAN Declaration of Conduct on the South China Sea.
Ipinaalala rin ng Pangulo ang isinusulong ng Amerika na magkaroon ng tinatawag na “rebalancing” sa Asia bagaman at mismong ang Kongreso nito ang nagsabi na isang malaking hamon na gawin itong makahulugan.
Hindi rin naiwasang banggitin ng Pangulo ang natapos na impeachment trial sa Senado kung saan na-convict si dating Chief Justice Renato Corona.
- Latest
- Trending