
Rolbak asahan uli
MANILA, Philippines - May aasahan uling rollback ang publiko sa presyo ng petrolyo sa bansa dahil sa patuloy na pagtatag ng halaga ng piso.
Nauna nang nagbawas ng presyo kahapon ng alas-12:01 ng madaling araw ang Flying V na nagtapyas ng P.30 sentimos kada litro ng regular gasoline at diesel at P.50 sa unleaded gasoline.
Sinabi ni Energy Director Zenaida Monsada na tumaas pa nga ang presyo ng diesel sa internasyunal na merkado ngunit dahil sa matatag na palitan ng piso ay magreresulta pa rin ito ng pagbaba sa presyo ng petrolyo.
Hindi naman nagbigay ng aktuwal na presyo ang DOE sa kung magkano ang maaring matamasang rollback ng mga motorista. Ngunit sinabi ni Monsada na nananatiling matatag ang presyo ng krudo sa internasyunal na pamilihan.
Sa kabila nito, hindi naman kuntento ang Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operators Nationwide (PISTON) na naggiit na mas malaking halaga dapat ang ibinababa sa lokal na merkado ng petrolyo dahil sa malaki ang pagbulusok ng halaga ng krudo sa world market.
- Latest
- Trending