P9 pasahe sa jeep ikakasa
- Ni Angie dela Cruz () - March 7, 2012 - 12:00am

MANILA, Philippines - Isusulong ng militanteng transport group na Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operators Nationwide (PISTON) ang P1.00 dagdag na singil sa pasahe sa mga pampasaherong jeep sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) dahilan sa anila’y hindi na makatwirang serye ng oil price hike sa bansa.

Ang pahayag ni Goerge San Mateo, national president ng Piston, ay kasunod ng paglusob nila kahapon sa tanggapan ng Shell sa Makati para kontrahin ang isa pang oil price hike ngayong linggo.

Wika ni San Mateo, mula nang pumasok ang taong 2012, walong beses nang tumaas ang halaga ng gasoline at diesel kaya mas mainam na maitaas sa P1.00 ang pasahe sa jeep o gawing P9.00 minimum fare mula sa kasalukuyang P8.00 minimum pasahe.

Kinalampag din ng Piston ang Malakanyang na alisin ang 12 percent VAT sa langis at umpisahan ng imbestigahan ang overpricing at parusahan ang mapagsamantalang oil cartel.

Kung hindi anya aaksiyon ang pamahalaan sa patuloy na pagtaas ng halaga ng mga produktong petrolyo, lalung dadami ang magugutom, walang trabaho at lalung tataas ang halaga ng mga bilihin sa bansa.

GOERGE SAN MATEO ISUSULONG KINALAMPAG LAND TRANSPORTATION FRANCHISING AND REGULATORY BOARD MAKATI MALAKANYANG OPERATORS NATIONWIDE PINAGKAISANG SAMAHAN SAN MATEO TSUPER
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with