^

Bansa

Misteryosong pagkamatay ng OFW sa Kuwait pinaiimbestigahan ni Villar

- Ni Malou Escudero -

MANILA, Philippines - Pinaiimbestigahan ni Senador Manny Villar sa mga opisyal ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang pagkamatay ng isang Cebuana sa Kuwait. 

Sa kanyang pormal na liham kay DFA Sec. Albert del Rosario, hiniling ni Villar sa ahensya na imbestigahan ang sanhi ng kamatayan ni Juvy Montesoso na tu­bong Talisay, Cebu upang mawala ang mga pagdududa sa tunay na nangyari kay Juvy sa Kuwait.

“Sa ngayon, nasa Kuwait pa rin ang mga labi ni Juvy at anumang hakbang na dapat gawin ng ahensya upang mapabilis ang pagpapauwi sa kanyang bangkay sa Cebu ay ipinagpapasalamat ko na ngayon pa lang,” ayon kay Villar sa kanyang sulat kay Sec. del Rosario.

Nalaman ni Villar ang kaso ni Juvy noong nakaraang linggo habang siya ay dumadalo sa Global CSR Summit sa Cebu. Personal na nagkita si Villar at ang kapatid ni Juvy na si Rochelle.

Nag-umpisang magtrabaho si Juvy sa Kuwait bilang domestic hel­per noong 2008. Naglingkod siya bilang receptionist sa Fintas Hotel. Noong nakaraang linggo, na­tang­gap ng pamilya ni Juvy sa Cebu ang masamang balita na ito ay binawian ng buhay. Ayon sa ulat, noong Agosto 5 ng umaga, tumalon si Juvy mula sa ika-walong palapag ng tirahan ng kanyang nobyong US military member.

“Hindi po kami naniniwala na magpapakamatay siya. Nagpadala pa siya ng pera para sa anak niya at nag-usap pa kami nung gabi,” ani  Rochelle.

Kaugnay nito, sini­guro ni Villar sa pamilya ni Juvy na gagawin nito ang lahat ng kanyang makakaya upang maiuwi sa Pinas ang mga labi ng biktima. Nangako din si Villar ng tulong para maitaguyod ang pag-aaral ng anim na taong gulang anak na babae ni Juvy.

vuukle comment

AGOSTO

AYON

CEBU

CEBUANA

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

FINTAS HOTEL

JUVY

JUVY MONTESOSO

SENADOR MANNY VILLAR

VILLAR

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with