Medical mission ng MPD Press Corps tagumpay
MANILA, Philippines - Tagumpay ang kauna-unahang medical mission ng Manila Police District Press Corps sa pangunguna ng pangulo nitong si Bening Batuigas at Kamanggagawa Foundation, Inc. na pinangunahan ni dating anchorman Daniel Razon, sa compound ng MPD headquarters na nagbigay ng libreng medical, dental at optical consultations kahapon.
Umabot sa 36 volunteers na kinabibilangan ng 4 na general physician, isang abugado, 3 dentist, 2 optometrist, 7 registered nurse, 1 pharmacist, 2 physical therapist, 1 x-ray technician at mga assistant nito ang nagbigay serbisyo sa kabuuang 1001 na pasyente mula sa apat na barangay sa Ermita at Pandacan, Maynila, mga miyembro ng media at pamilya nito at mga pulis na nakatalaga sa MPD.
Nagkaloob din ng libreng legal consultation ang isang Atty. Lily Abdul, nagbigay ng libreng eyeglasses, mga gamot at serbisyo sa laboratory examinations kabilang ang blood typing at random blood sugar test.
- Latest
- Trending