Presidential bet ng El Shaddai ihahayag sa Sabado
MANILA, Philippines - Pormal nang iaanunsiyo ni El Shaddai leader Brother Mike Velarde sa Sabado kung sino ang presidential candidate na susuportahan niya sa May 10 automated elections.
Aminado si Velarde na “lamang” na si Nacionalista Party bet Sen. Manuel Villar dahil may “inside track” ito at pinaka-kilala na niya sa lahat ng presidential aspirants.
Gayunman, hindi naman aniya nangangahulugan ito na si Villar na nga ang kaniyang ie-endorso sa eleksiyon.
“We’ve known each other for so long but it doesn’t mean that I’m already endorsing him. But of course, he has the advantage because I know him personally,” ayon pa kay Velarde.
Nilinaw rin naman ni Velarde na kahit may “personal choice” siyang kandidato para suportahan ay hindi naman niya pupuwersahin ang El Shaddai followers na iboto ito.
Binigyang-diin ni Velarde na may kalayaan ang El Shaddai followers na pumili ng kandidatong kanilang nais na ihalal.
- Latest
- Trending