^

Bansa

Bata nabitawan, patay din: Sumaklolo sa 2-anyos nauntog sa barko, patay

-

MANILA, Philippines - Isang pasahero na nagngangalang “Leizel” na kasalukuyang nasa Zamboanga Port, ang nagkuwento sa panayam ng radio na ang kasama niyang 2–anyos na bata ay kinarga ng isang lalaki upang ibaba patungo sa lifeboat, subalit nabita­wan ang bata nang maun­tog ang lalaki sa bakal ng barko nang tumalon ha­bang ibinababa ang bata sa lubid. Nasawi ang bata, gayundin ang lalaki dahil nalunod nang maba­gok sa pagkakauntog.

Ayon pa sa nasabing babae, naantala umano ang pagtulak ng barko, na sa halip na 8:45 ay 10:30 na ng gabi umalis. 

“Habang umaalis pa lang ang barko nakaka­hilo na kasi magalaw pero maganda ang panahon, narinig ko na sa Davao pa lang daw may sira na talaga ang Superferry 9. Nung nakarinig kami ng malakas na kalabog, la­hat ng mga gamit sa hallway napunta sa lower part ng barko at nagkuha­nan na ng life jacket ang lahat pero hirap sila kasi madulas. Kami may nag-abot lang na lalaki ng life jackets.

“Nasa bintana kami dumaan, matagal kami nag­hintay sa lifeboat tapos mga alas 5:00 na ng umaga kami pinatalon para sa life boat kaya iyak ng iyak yung bata (2 year old) kaya inuna na siyang isagip ng lalaki para isa­kay lahat ng bata sa lifeboat pero nabitawan siya ng lalaki kasi naun­tog. Bigla nahulog din ang lalaki kasi naipit kamay sa lubid na kadikit sa barko, kaya pa­reho silang namatay. Yung bata hindi na maka­hinga sa pag-iyak nalu­nod pa,” ani Leizel. (Ludy Bermudo)

vuukle comment

AYON

BATA

BIGLA

DAVAO

HABANG

LALAKI

LEIZEL

LUDY BERMUDO

SHY

ZAMBOANGA PORT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with