^

Bansa

Kasong kriminal sa 'tax revolt'

-

MANILA, Philippines - Nagbabala kahapon si Justice Secretary Agnes Devanadera sa mga taxpayer na posibleng maharap sila sa kasong kriminal sakaling sundin nila ang panawagan ni Senador Panfilo Lacson kaugnay sa “tax revolt”.

Bukod sa kasong kriminal maaari rin umanong patawan ng penalty at interes ang mga taxpayers na hindi kaagad magbabayad ng buwis sa tamang oras.

Nilinaw pa ng kalihim na kasong paglabag sa Internal Revenue Law ang maaring isampa sa isang tax payer na hindi magbabayad ng buwis.

Ginawa ni Devanadera ang pahayag bilang reaksyon sa panawagan ni Lacson sa mga negosyante at ordinaryong taxpayer na huwag munang magbayad ng buwis hanggang walang nakikitang malinaw na palatandaan na ititigil na ng mga kongresista ang Constitutional Assembly (ConAss) at nagpapakita na bababa si Pangulong Arroyo sa puwesto matapos ang kanyang termino sa taong 2010. (Gemma Garcia)

vuukle comment

BUKOD

CONSTITUTIONAL ASSEMBLY

DEVANADERA

GEMMA GARCIA

GINAWA

INTERNAL REVENUE LAW

JUSTICE SECRETARY AGNES DEVANADERA

LACSON

PANGULONG ARROYO

SENADOR PANFILO LACSON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with