^

Bansa

Reyes pinagsabihan ng Palasyo sa panibagong oil price hike

-

MANILA, Philippines - Pinagsabihan kahapon ng Malacañang si Energy Secretary Angelo Reyes na dapat maging pro-active at agad ipaalam sa publiko kung magkakaroon ng oil price hike upang hindi ito nabibigla.

Sinabi ni Executive Secretary Eduardo Ermita sa kanyang media briefing sa Palasyo, tungkulin ni Reyes bilang pinuno ng Department of Energy (DOE) na ipaalam sa publiko kung may magaganap na pag­galaw sa presyo ng produktong petrolyo.

Sa kabila nito, naniniwala naman ang Malacañang na gina­gampanan ni Reyes ang kanyang trabaho bilang DOE chief.

Ani Ermita, kung nakikita naman ng DOE chief na mayroong pangangailangan na magpatupad ng “regulation” sa oil industry ay sigurado siyang irerekomenda ito sa Palasyo upang maisabatas ito.

Sa kasalukuyan ay “deregulated” ang oil industry kaya upang maging “regulated” ang industriyang ito ay dapat magkaroon ng panibagong batas upang magkaroon ng control ang gobyerno sa oil industry. (Rudy Andal)

vuukle comment

ANI ERMITA

DEPARTMENT OF ENERGY

ENERGY SECRETARY ANGELO REYES

EXECUTIVE SECRETARY EDUARDO ERMITA

MALACA

PALASYO

PINAGSABIHAN

REYES

RUDY ANDAL

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with