^

Bansa

Ballistic test sa TF RCBC giit

-

Hiniling kahapon ni Atty. Harry Roque sa Department of Justice (DOJ) na magsagawa ng ballistic test ang National Bureau of Investigation (NBI) sa mga miyembro ng Task Force RCBC na sangkot sa Tanauan massacre.

Sa preliminary investigation sa DOJ, sinabi ni Roque na makikipagkita siya sa mga abogado ng Commission on Human Rights (CHR) upang makialam na ang mga ito sa kaso at atasan ang Philippine National Police (PNP) upang ilabas ang kanilang balang ginamit.

Ito ay dahil sa ang mga balang ginamit ng mga operatiba ng Task Force RCBC ay hawak pa nila.

Giniit ni Roque na ang nasabing mga bala ay napa­ka-importante bilang physical evidence sa kaso.

Matatandaan na sinampahan ng multiple murder ang mga miyembro ng nasabing task force ni Roque na tumatayong abogado ng mga kaanak ng napatay sa Tanauan massacre.

Humarap din sa pagdinig si Raquel Fortun, ang abogado mula sa Commission on Human Rights at nagsumite ng mga affidavits at annexes ng kanilang testigo kung saan tumestigo din ito at sinabing binaril ng malapitan ang mga biktima.

Wala namang itinakdang petsa ang DOJ para sa susunod na pagdinig sa nasabing kaso. (Gemma Amargo-Garcia)

vuukle comment

DEPARTMENT OF JUSTICE

GEMMA AMARGO-GARCIA

HARRY ROQUE

HUMAN RIGHTS

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

RAQUEL FORTUN

TANAUAN

TASK FORCE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with