^

Bansa

Apela ng pamilya Maguan kay GMA: ‘Rolito Go ’wag payagang makalaya’

-
Umapela kay Pangulong Arroyo ang pamilya ni Eldon Maguan, ang estudyante ng La Salle University na namatay noong 1991 dahil lang sa minor traffic incident, na huwag payagang makalaya si convicted murderer Rolito Go.

Nakiusap din si dating State Prosecutor Dennis Villa-ignacio kay Justice Sec. Raul Gonzalez na ibasura ang petition for parole ni Go dahil si Go ay isa umanong malaking threat sa lipunan kapag pinayagang lumaya.

Si Go, na nahatulan ng life imprisonment ng Pasig Regional Trial Court noong 1993 ay nag-file ng executive clemency sa Board of Pardons and Parole para agad siyang makalaya sa National Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City.

Matatandaang tumakas si Go bago siya bigyan ng sentensiya ng korte, ngunit matapos ang 3 taong pagtatago ay nahuli.

Ayon kay Mrs. Rosario Maguan, ina ng biktima, hindi dapat agad makalaya si Go dahil 13 taon pa lang siyang nakakulong, gayong life ang ipinataw sa kanya ng korte.

"Marami pa siyang (Go) dapat pagdusahan dahil pinatay niya ang anak ko na walang kalaban-laban. Marunong kaming magpatawad pero hindi pa napapanahon,"sabi ni Mrs. Maguan.

Napag-alaman pa ng mga Maguan sa korte na hindi pa rin nagbabayad si Go ng danyos na P3.2 milyon sa pamilya ng biktima.

BOARD OF PARDONS AND PAROLE

ELDON MAGUAN

JUSTICE SEC

LA SALLE UNIVERSITY

MRS. MAGUAN

MRS. ROSARIO MAGUAN

MUNTINLUPA CITY

NATIONAL BILIBID PRISON

PANGULONG ARROYO

PASIG REGIONAL TRIAL COURT

RAUL GONZALEZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with