^

Bansa

1017 ipaglalaban!

-
Inatasan kahapon ni Pangulong Arroyo ang mga mahuhusay na abogado ng pamahalaan na ihanda ang mga depensa upang baligtarin ng Mataas na Hukuman ang desisyon nito laban sa ilang probisyon ng Presidential Proclamation 1017.

Inaasahan ng Palasyo na magiging paborable ang desisyon ng Supreme Court sa gagawin nilang pag-apela para bigyang konsiderasyon ang opinyon nito ukol sa PP 1017.

Ayon kay Solicitor-General Eduardo Nachura, partikular na iaapela niya ang Section 17 ng Article 12 ng PP 1017 kaugnay sa sinabi ng Korte Suprema na hindi dapat gamitin ang executive powers ng State of Emergency sa ilalim ng Section 17 hanggang hindi binibigyan ng awtoridad ng Kongreso.

Sinabi ni Nachura, plano nilang magharap ng apela sa susunod na linggo dahil kailangang plantsahin muna nila ang isusumiteng depensa.

Pupulungin ngayon ni Nachura ang mga abogado ng pamahalaan para pag-usapan ang gagawin nilang depensa sa isusumiteng mosyon sa SC.

"By next week, ipa-file na natin sa Supreme Court. I am hopeful na in the end the Supreme Court will change its opinion. Isa sa partikular na iaapela namin ay ang Section 17 ng Article 12. Sana makakuha kami ng konsiderasyon doon," wika pa ni Nachura. (Lilia Tolentino)

vuukle comment

AYON

HUKUMAN

KORTE SUPREMA

LILIA TOLENTINO

NACHURA

PANGULONG ARROYO

PRESIDENTIAL PROCLAMATION

SOLICITOR-GENERAL EDUARDO NACHURA

STATE OF EMERGENCY

SUPREME COURT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with