"Hello Garci" paboritong ringtone
June 25, 2005 | 12:00am
Umabot na sa 1 milyong Pinoy ang gumagamit ng "Hello Garci" ringtone sa kanilang mga cellphones, dahilan para ituring itong worlds most popular ringtone.
Ito ang isiniwalat kahapon ng consumer group na TXT Power na pinagmulan ng "Hello Garci" tones na mayroon na ngayong tatlong bersiyon.
Ibinase ni Anthony Cruz, convenor ng grupo, ang nasabing bilang sa 350,000 katao na nag-downloads ng Hello Garci ringtones mula sa kanilang website na www.TXTPower.org.
"Each of the 350,000 people who downloaded the ringtones have most often passed them on to their families and friends," ani Cruz.
Ang nasabing ringtone ay nagsimulang mai-download sa kanilang website noong Hunyo 17. Noong Hunyo 21, nakapag-record ang website ng 58,192 visitors araw-araw.
Ang "Hello Garci" ay hango sa kontrobersiyal na pag-uusap umano nina Pangulong Arroyo at Comelec Commissioner Virgilio Garcillano. (Ulat ni Malou Rongalerios)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended