^

Bansa

Lacson ubos na ang 'bala'

-
Naniniwala ang Malacañang na ubos na ang "bala" ni Senator Panfilo Lacson at wala naman ito ni isa mang napatunayan o inilabas na ebidensiya na magpapatunay sa kanyang mga alegasyon laban kay First Gentleman Mike Arroyo.

Ayon kay Presidential Spokesman Ignacio Bunye, naibato na lahat ni Sen. Lacson ang mga alegasyon nito kaya hindi na kinakabahan ang Palasyo sa pasasabuging chapter 3 ni Lacson laban sa Unang Ginoo.

Iginiit rin kahapon ni Atty. Jesus Santos, abugado ni FG Arroyo, na hindi na interesado ang taumbayan sa sinasabi ni Lacson na ikatlong yugto ng kanyang expose laban sa Unang Ginoo dahil mas abala ang masa sa Kris Aquino-Joey Marquez split-up.

Sinabi ni Atty. Santos, mas nais malaman ng taumbayan ang magiging resulta ng awayang Kris at Joey kaysa sa kanyang expose sa "Incredible Hulk."

Hinamon ni Santos si Lacson na maglabas na ito ng mga ebidensiya kaugnay sa kanyang mga naunang akusasyon laban kay FG Arroyo matapos sertipikahan ng 7 bangko na walang umiiral na Jose Pidal account.

Aniya, dapat ay ito ang sagutin ni Lacson matapos pabulaanan ng mga bangko ang pag-iral ng Jose Pidal account at ang umano’y Jose Pidal-Victoria Toh joint accounts.

Samantala, sinabi naman ni Sen. Lacson na sa pagpapatuloy ng sesyon sa susunod na linggo ay pasasabugin niya ang chapter 3 ng kanyang expose na may kinalaman pa rin sa mga anomalya ni FG Arroyo at ang umano’y money laundering activities nito.

Ipinakita naman ni Sen. Segio Osmeña III sa mamamahayag ang malaking pagkakaiba ng pirmang Jose Pidal ni Ignacio Arroyo mula sa mga tsekeng pirmado ni Jose Pidal sa Lacson expose.

Naniniwala si Sen. Osmeña na hindi si Iggy ang tunay na Pidal kundi si FG Mike Arroyo dahil na rin sa isinumite ng GMA 7 na sample ng pirma ni Iggy sa programa ni Arnold Clavio noong Agosto. (Ulat nina Ely Saludar/Rudy Andal)

ARNOLD CLAVIO ELY SALUDAR FIRST GENTLEMAN MIKE ARROYO IGGY IGNACIO ARROYO INCREDIBLE HULK JESUS SANTOS JOSE PIDAL LACSON UNANG GINOO
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with