^

Bansa

Dahil sa rice-noodles, diabetes no. 1 killer disease ng mahihirap

-
Alam ba ninyo na ang pagkahilig ng mga Pilipino sa kanin at noodles na pawang mayaman sa carbohydrates ang siyang itinuturong dahilan ng paglaganap ng sakit na diabetes na siya ngayong no. 1killer disease ng mga residente sa Metro Manila?

Ayon kay international diabetologist at nutrition expert Dr. Abe Gibeily, ang sobrang carbohydrates ay masama sa kalusugan dahil pinapagod nito ang ating insulin na siyang responsable sa sugar sa ating dugo.

Binigyang diin ni Giebely na ang terminong diabetes ay nangangahulugan ng ‘inefficient insulin.’

Ipinaliwanag din nito na hindi na nakapagtataka kung ang mahihirap ang maging pangunahing biktima ng diabetes at hypertension dahil na rin sa kanilang poor eating habits.

Inihalimbawa nito ang isang mahirap na pamilya na may anim hanggang walong anak. Kailangan na magkasya na lamang ang mga ito sa kanin at noodles na siyang popular na kumbinasyong pagkain para sa mahihirap dahil sa kawalan ng pera.

Kung noon ay sinasabing sakit ng mayaman ang diabetes at hypertension dahil sa masasarap na pagkain, hindi na ngayon.

Sa research ng Project Walrus 2002, isang proyekto na pinopondohan ng John Hopkins University para sa poverty profile ng bansa, napuna na higit na mataas ang bilang ng kaso ng may diabetes at hypertension sa mahihirap kaysa sa tuberculosis na karaniwang sakit ng mga ito.

Tinalo ng diabetes at hypertension ang tuberculosis (TB), sexually-transmitted disease (STD), skin diseases at hika.

Bukod sa dalawang nabanggit na cardiovascular diseases, ang pangkaraniwang sakit ng mahihirap na kababaihan ay muscle aches, head aches, cough and colds, urinary tract infection, arthritis at varicose veins.

Samantala sa kalalakihan, common diseases ay muscle pains, fatigue at TB. (Ulat ni Andi Garcia)

vuukle comment

ALAM

ANDI GARCIA

AYON

BINIGYANG

BUKOD

DIABETES

DR. ABE GIBEILY

JOHN HOPKINS UNIVERSITY

METRO MANILA

PROJECT WALRUS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with