^

Bansa

Villar sinugod ng McDo; kontrobersyal na ad inalis

-
Sumugod ang ilang matataas na opisyal ng Mcdonalds Philippines sa Senado upang hingin ang mga ideya ni Senate President pro-tempore Manny Villar kung paano maisusulong ang mga magagandang kaugalian o katangian ng mga Pilipino sa mga gagawin nilang advertisements sa hinaharap, ito’y kasunod na rin ng pagbatikos ng senador sa isa nilang TV ad na umano’y nagsusulong ng bribery.

Sa kanilang pagpupulong, pinayuhan ni Villar ang mga opisyal ng McDonalds na subukang ipakita sa mga susunod nilang advertisement ang mga kapuri-puring kaugalian ng mga Filipino na magbibigay ng inspirasyon sa ating mga kababayan na paunlarin ang kanilang mga pamumuhay.

Bilang tugon, sinabi ni Executive Director Jojo Samson na binabalak ngayon ng McDo na gumawa ng isang ad campaign na magbibigay pugay sa maipagmamalaking katangian ng mga Pinoy, ang sipag at tiyaga.

At para maipakita ang pagiging isang "good corporate citizen" ay inalis ng McDo ang kanilang kontrobersiyal na TV commercial kung saan ipinapakita ang isang cute na batang babae na sumasagot sa mga tanong pabor sa kanyang "dada" dahil na rin sa french fries na iniaabot sa kanya ng palihim sa ilalim ng mesa.

Sinabi ng senador na dapat laging maging bukas ang isipan ng mga malalaking korporasyon sa malaking responsibilidad na nakaatang sa kanilang mga balikat dahil malaki ang impluwensiya nila sa kaisipan ng mga manonood sa pamamagitan ng mga ginagawa nilang commercial. (Ulat ni Rudy Andal)

 

vuukle comment

BILANG

EXECUTIVE DIRECTOR JOJO SAMSON

MANNY VILLAR

PILIPINO

PINOY

RUDY ANDAL

SENADO

SENATE PRESIDENT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with