^

Bansa

SSS memebers bantang magwelga

-
Nagbanta kahapon ang Kilusang Mayo Uno (KMU) na magkakaroon ng isang malawakang welga ang mga miyembro ng Social Security System (SSS) kapag itinuloy ang pagsasapribado nito.

Ayon kay Sammy Malunes, tagapagsalita ng KMU, tutol ang lahat ng kasapi ng SSS sa plano ng gobyerno na ipagbili sa banyagang mamumuhunan ang nasabing kumpanya ng pamahalaan. Wala umanong karapatan ang gobyerno na ipagbili ang SSS dahil itinayo ito sa pamamagitan ng monthly contribution ng 23 milyong manggagawa na miyembro ng SSS. "Hindi dapat ipinagsasapalaran ang retirement benefits ng mga miyembro na nagbabayad naman ng kanilang kontribusyon," wika ni Malunes.

Kabilang umano sa pagbebentahan ng SSS ang Sunlife, pinakamalaking insurance company sa Canada, at ang Manlife Insurance. (Ulat ni Malou Rongalerios)

vuukle comment

AYON

KABILANG

KILUSANG MAYO UNO

MALOU RONGALERIOS

MALUNES

MANLIFE INSURANCE

NAGBANTA

SAMMY MALUNES

SOCIAL SECURITY SYSTEM

SUNLIFE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with