^

PM Sports

Pacquiao-Arum hindi pa F.O.

Russell Cadayona - Pang-masa
Pacquiao-Arum hindi pa F.O.
Sina Bob Arum at Manny Pacquiao.

MANILA, Philippines – Mananatili ang pagkakaibigan nina Bob Arum ng Top Rank Promotions at Manny Pacquiao sa ka­bila ng pagsosolo ng Filipino world eight-division king.

“Well, we’re still very friendly,” wika ni Arum. “We (Top Rank Promotions) will distribute the fight in the United States.”

Hahamunin ni Pacquiao si World Boxing As­sociation welterweight titlist Lucas Matthysse ng Argentina sa Hulyo 15 sa Kuala Lumpur, Malaysia para sa unang international card ng kanyang MP Promotions.

Ang Top Rank ni Arum ang magbabahagi ng naturang laban sa US.

Ito ang unang laban ng 39-anyos na Senador ma­tapos matalo kay Jeff Horn via unanimous decision at maisuko ang hawak na World Boxing Organization welterweight crown no­ong Hulyo ng nakaraang taon sa Brisbane, Australia.

Sinabi ni Pacquiao na kung sakaling matalo si­ya sa 35-anyos na si Matthysse ay tuluyan na niyang isasabit ang kanyang boxing gloves.

Nauna nang sinabi ng dati niyang chief trainer na si Freddie Roach na hindi mapagsasabay ni Pacquiao ang kanyang pagiging boksingero at Senador.

Ang resulta nito ay ang pagkatalo ni ‘Pacman’ kay Horn.

Samantala, naniniwa­la naman si Arum na ta­talunin ni Jerwin Ancajas si Cebuano challenger Jonas Sultan para sa kanyang pang-limang sunod na pagdedepensa sa suot na International Bo­xing Federation super fly­weight belt ngayon (Ma­nila time) sa Tioga Se­quoia Brewing Co. sa Fresno, California.

Sakaling manalo si An­cajas kay Sultan ay iha­handa na ng promoter ang dalawang susunod na laban ng tubong Panabo City sa Setyembre o Oktubre at sa Disyembre.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with