^

Banat Palaro

Army cadets bumida sa ROTC Games

Nilda Moreno - Pilipino Star Ngayon

ZAMBOANGA CITY , Philippines — Nagparamdam agad ng puwersa ang mga kadete ng Philippine Army matapos humakot ng siyam na gintong medalya sa swimming competition sa 2nd Philippine Reserve Officers Training Course (ROTC) Games 2024-Mindanao Qualifying Leg dito sa  Joaquin Enriquez Memorial Sports Complex Swimming pool.

Dalawang ginto ang kinampay nina Jovaira Valle at Jellie Somera sa wo­men’s event at tig-dalawa rin ang napanalunan nina Ronnie Tayom at Heriame Guiao.

Nanalo si Valle sa wo­men’s 200m IM matapos irehistro ang 4:13.62 minuto at sa 50m butterfly sa tiyempong 45.30 segundo.

Nagreyna si Somera sa women’s 100m freestyle (1:22.38) at sa 50m backstroke (41.55).

Naghari si Tayom sa men’s 200m IM (3:07.02) at sa 50m backstroke (37.04).

Ang ibang nakakuha ng ginto para sa Army ay si Reymond Pelisan sa men’a 100m freestyle sa event na konsepto ni Senator Francis ‘Tol’ Tolentino.

vuukle comment

SPORTS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with