^

Banat Palaro

Pacquiao kayang i-knockout si Broner

Abac Cordero - Pilipino Star Ngayon
Pacquiao kayang i-knockout si Broner
“I want to prove that at age forty I can still give my best,” wika ni Pacquiao, ang nag-iisang boksingero na nagwagi ng mga world titles sa walong magkakaibang weight divisions, matapos ang official weigh-in kahapon.

Patutunayan Sa Edad 40

LAS VEGAS — May gustong patunayan si future Hall-of-Famer Manny Pacquiao sa kanyang pagsagupa kay American challenger Adrien Broner nga­yon dito sa MGM Grand.

“I want to prove that at age forty I can still give my best,”  wika ni Pacquiao, ang nag-iisang boksingero na nagwagi ng mga world titles sa walong magkakaibang weight divisions, matapos ang official weigh-in kahapon.

Hindi na makapaghintay si Pacquiao matapos makuha ang kanilang timbang ni Broner.

Sinabi niya kay ring announcer Jimmy Lennon Jr. na “I’m happy to fight tonight.”

Kaagad niya itong itinama. “Aah… to­morrow night,” sabi ng 40-an­yos na Senador.

Ilang ulit sinabi ni Pacquiao na ang pagdedepensa sa kanyang suot na WBA welterweight title laban sa 29-anyos na si Broner ay isang malaking hamon kagaya ng mga nauna niyang mga laban.

Ito ay dahil kailangan na naman niyang patunayan na hindi pa siya laos.

Ang mga kabiguan kina Tim Bradley, Juan Manuel Marquez, Floyd  Mayweather  Jr. at Jeff Horn ang nagpaisip sa mga fight fans na mahina na si Pacquiao at kailangan nang magretiro.

Ang ilan sa kanyang mga kritiko ay gusto na siyang mag-focus sa kanyang trabaho sa Senado.

“Boxing is my passion. Being a senator is my mission,”  ani Pacquiao. “That’s why this fight is really important to me. This is my first fight at age 40. That’s why it’s very challenging.”

Ito ang unang pagkakataon na muling lalaban si Pacquiao sa United States matapos ang halos dalawang taon.

Maliban kay Broner, ang  tra­sh-talking bo­xer mula sa Cincinnati, Ohio, lalaba­nan din ni Pac­quiao ang kan­yang edad.

Ito ang ika-28 laban ni Pacquiao sa US at  pang-70 bilang pro (60-7-2) kung saan tar­get niya ang ika-40 knockout win.

Nagmula si Pacquiao sa  seventh-round knockout win laban kay Lucas Matthysse sa Kuala Lumpur noong Hulyo, isang taon matapos siyang gulatin ni Horn, dating school teacher.

Ang baong partnership kay promoter Al Haymon, ang founder ng Premier Boxing Champion (PBC) at long-time adviser ni Mayweather, ang nagbalik kay Pacquiao sa US sa kabila ng kanyang  tax problems.

Para sa pay-per-view show, si Pacquiao ay may guaranteed $10 million (halos P520 milyon).

 Tatanggap naman si Broner ng $2.5 mil­yon at posib­leng na­gastos na ang kalahati dahil sa kanyang mga alahas.

Kung mana­nalo kay Broner ay posibleng maitakda ang rematch ni Pacquiao kay Mayweather, inaasahang ma­nonood sa ring­side.

“Let’s focus on Broner first. Then we can talk about the next fight,” wika ni Pacquiao.

 Nangako naman si Broner na uuwi si Pacquiao na hindi na suot ang kanyang WBA belt.

“Of course, I’m going to send him home beltless. I’m coming to win and that’s how I’m going to send him home beltless,” wika ni Broner.

vuukle comment

ADRIEN BRONER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with