^

Banat Palaro

Curry, Cousins inakay ang Warriors sa panalo

Pilipino Star Ngayon
Curry, Cousins inakay ang Warriors sa panalo
Ito ang pang-pitong sunod na ratsada ng Warriors at ikaanim sa kanilang road trip.
AP Photo/Mark J. Terrill

LOS ANGELES—Humataw si Stephen Curry ng 28 points habang nagdagdag si DeMarcus Cousins ng 14 markers bago na-foul out sa kanyang Warriors debut at tinalo ng Golden State ang Clippers, 112-94.

Ito ang pang-pitong sunod na ratsada ng Warriors at ikaanim sa kanilang road trip.

Nagtala si Cousins, halos isang taon hindi nakalaro dahil sa injury, ng 5-for-11 fieldgoal shooting at nagdagdag ng 6 rebounds at 3 assists sa unang laro niya matapos noong Enero 26, 2018 nang magkaroon siya ng ruptured left Achilles tendon habang naglalaro para sa New Orleans Pelicans.

Kinuha siya ng Golden State noong Hulyo.

Sa pagkakadagdag ni Cousins sa lineup, ang Gol­den State ang naging unang koponan sa nakaraang 42 taon na nagtampok sa limang All-Stars.

Nagdagdag si Kevin Durant  ng 24 points para sa Warriors.

Sa Salt Lake City, tumipa si Donovan Mitchell ng 24 points habang humakot si Rudy Gobert ng 19 points at 15 rebounds para pamunuan ang Utah Jazz sa 115-99 paggupo sa Cleveland Cavaliers.

Sa Detroit, nagpasabog si Blake Griffin ng 32 points at 11 rebounds at nalampasan ng Pistons ang maagang pagkawala ni Andre Drummond dahil sa injury para talunin ang Miami Heat, 98-93.

vuukle comment

GOLDEN STATE WARRIORS VS LOS ANGELES CLIPPERS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with