^

Banat Palaro

Victolero Coach of the Year

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Victolero Coach of the Year
Si Chito Victolero ng Magnolia Pambansang Manok ang tatanggap ng nasabing Virgilio ‘Baby’ Dalupan trophy mula sa grupo ng mga sportswriters na regular na nagkokober ng PBA beat matapos akayin ang Hotshots sa korona ng season-ending Governors Cup.
Facebook Photo

MANILA, Philippines — Hihirangin ng PBA Press Corps ang bagong Coach of the Year winner sa 25th anniversary presentation ng kanilang Annual Awards Night bukas sa Novotel Manila Araneta Center.

Si Chito Victolero ng Magnolia Pambansang Manok ang tatanggap ng nasabing Virgilio ‘Baby’ Dalupan trophy mula sa grupo ng mga sportswriters na regular na nagkokober ng PBA beat matapos akayin ang Hotshots sa korona ng season-ending Governors Cup.

Tinalo ng 43-anyos na si Victolero ng Sta. Maria, Bulacan sina Barangay Ginebra counterpart  Tim Cone at San Miguel mentor Leo Austria, nagwagi sa nasabing award sa nakaraang tatlong seasons, sa mahigpit na three-way fight para sa individual honor na magiging tampok sa special two-hour event na inihahandog ng Cignal TV.

Ang tatlong coaches ang nagwagi ng titulo sa nakaraang season, ngunit ang Magnolia ni Victolero ang pinakamahina sa naturang tatlong ballclubs sa ilalim ng San Miguel Corporation.

Nasa kanyang ikalawang taon para sa Hotshots, ito ang unang korona ni Victolero sa kanyang PBA c­oaching career at tumapos sa apat na taon na pagkauhaw ng koponan sa titulo makaraan ang Grand Slam season noong 2014.

vuukle comment

CHITO VICTOLERO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with