^

Banat Palaro

San Miguel Reresbak

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
San Miguel Reresbak

Hinabol ni Paul Lee ng Magnolia ang rumara­gasang si Marcio  La­ssiter ng San Miguel sa Game 1 ng PBA Philippine Cup. Joey Mendoza

Laro Ngayon(MOA Arena, Pasay City)

6:30 p.m. San Miguel vs Magnolia (Game 2, Finals)

MANILA, Philippines — Matapos agawin ang Game One ay pipilitin namang itayo ng Magnolia ang malaking 2-0 bentahe laban sa nagdedepensang San Miguel sa kanilang best-of-seven championship series.

Ngunit madali itong sabihin kesa gawin.

“From the start, wala naman maniniwala na mananalo kami rito – kami lang in our circle and our families, but we just had to believe,” sabi ni Hotshots coach Chito Victolero matapos ang kanilang 105-103 pagtakas sa Beermen sa kanilang series opener noong Biyernes. “This doesn’t prove anything, but magandang simula ito.”

Magtutuos ang Magnolia at San Miguel ngayong alas-6:30 ng gabi para sa Game Two ng 2018 PBA Philippine Cup Finals sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Sa naturang panalo sa Game One ay kinailangan ng Hotshots na bumangon mula sa 52-72 pagkakabaon sa third period para makatabla sa Beermen sa 97-97 sa dulo ng fourth quarter.

Matapos isalpak ni Ian Sangalang ang dalawang krusyal na free throws sa natitirang 15 segundo ay matinding depensa naman ang ibinigay ng Magnolia kina Alex Cabagnot at Arwind Santos ng San Miguel.

Naimintis ni Cabagnot ang kanyang three-point shot attempt  habang sinupalpal ng 6-foot-8 na si Rafi Reavis ang tres ni Santos sa huling dalawang posesyon ng Beermen na nagpreserba ng panalo ng Hotshots.

“They exploded for 63 points in the first half at hindi iyon ang laro namin. I told the guys we would need to limit them to 20 per quarter in the second half, and was able to do it on team effort,” ani Victolero sa San Miguel. “Hopefully, ma-sustain namin in the next game.”

Tumapos ang 6’7 na si Sangalang na may 29 points, 9 rebounds, 2 steals at 1 assist para banderahan ang Magnolia.

Umiskor naman ng pinagsamang 98 points sina starters four-time PBA MVP June Mar Fajardo (31), Cabagnot (27), Marcio Lassiter (21) at Santos (19) para sa San Miguel.

Inamin ni mentor Leo Austria ang kasalanan sa kabiguan ng Beermen.

Inaasahang gagawin ng mga Beermen ang lahat para makabawi sa Hotshots at maitabla sa 1-1 ang kanilang title showdown.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with