^

Banat Palaro

Nuggets buhay pa ang tsansa sa playoffs

Pilipino Star Ngayon

WASHINGTON — Buhay pa ang pag-asa ng Denver para sa isang puwesto sa NBA Playoffs.

Kumamada sina Nikola Jokic at Jamal Murray ng tig-25 points para tulungan ang Nuggets sa 108-100 panalo laban sa Wizards.

Ang one-two punch nina Jokic at Murray bukod sa outside shooting ni Will Barton ang nag-angat sa Denver nang humataw ang Washington sa third quarter.

Ang panalo ng Nuggets ang nagpalakas sa kanilang tsansa para sa isa sa dalawang huling playoff spots sa Western Confe­rence. May natitira pang siyam na laro ang Denver.

Sa Cleveland,  malapit nang bumalik ang tunay na lakas ng Cavaliers.

Nagbalik na sina forwards Larry Nance Jr., Tristan Thompson at Rodney Hood mula sa kani-kanilang injury nang labanan ang Phoenix Suns kahapon.

Sinabi ni acting coach Larry Drew na hindi niya bibigyan ng mahabang playing time ang tatlong players.

Patuloy na gagamitin ni Drew, pumalit kay coach Tyronn Lue, ang kanyang starting lineup na binubuo nina LeBron James, Jose Calderon, George Hill, Jeff Green at Kevin Love.

Hindi naglaro si Thompson sa siyam na asignatura ng Cleveland bunga ng kanyang sprained right ankle habang si Nance Jr. ay nagkaroon ng hamstring issue at may back problem naman si Hood.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with