^

PSN Palaro

Tenorio inspirasyon ng GSM sa pagsagupa sa SMB

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Tenorio inspirasyon ng GSM sa pagsagupa sa SMB
Sinupalpal ni Ginebra import Justin Brownlee ang tirada ni San Miguel reinforcement Cameron Clark sa una nilang pagtutuos sa eliminasyon.

MANILA, Philippines — Inaasahang magiging ins­pirado ang Barangay Ginebra sa kanilang mis­yon na maidepensa ang su­ot na korona.

Nasa isip si veteran guard LA Tenorio, lalaba­nan ng Gin Kings ang sister team na San Miguel Beermen ngayong alas-3 ng hapon sa Game One ng 2023 PBA Governors’ Cup best-of-five semifinals series sa Ynares Center sa Antipolo City.

Sa ikalawang laro sa alas-5:45 ng hapon ay bu­buksan din ng mag-utol na TNT Tropang Giga at Me­ralco Bolts ang kanilang semis duel.

Kamakailan ay ibinun­yag ni Tenorio na luma­laban siya sa kanyang stage three colon cancer at umaasang muling maka­kabalik sa hardcourt.

Hindi man naglalaro si six-time PBA MVP June Mar Fajardo ay isa pa ring malakas na koponan ang San Miguel sa likod nina import Cameron Clark, CJ Perez, Marcio Lassiter, Mo Tautuaa at Vic Manuel, ayon kay Ginebra coach Tim Cone.

“They have a lot of wea­pons out there,” sabi ng two-time PBA Grand Slam champion na si Cone. “You just have to figure out how to contain someone, espe­cially the import (Clark) and CJ (Perez). They’ve all contributed, and they are moving the ball much better than they have in the past.”

Sina resident import Justin Brownlee, reinging PBA MVP Scottie Thompson, Christian Standhar­dinger, Jamie Malonzo at Je­remiah Gray naman ang problema ng Beermen.

“Nothing comes easy now. It’s the playoffs,” wika ni San Miguel coach Jorge Gallent sa pagtapat nila sa Ginebra. “I’m expecting we’re gonna have a hard time in the semifinals.”

Tinalo na ni Brownlee si Clark sa una nilang paghaharap matapos sibakin ng Gin Kings ang NLEX Road Warriors, 3-1, papasok sa championship series ng torneo noong nakaraang taon.

Pinatalsik ng No. 3 Gi­nebra ang No. 6 NLEX, 127-93, habang sinibak ng No. 2 San Miguel ang No. 7 Converge, 121-105 sa ka­ni-kanilang quarterfinals matches.

Sa ikalawang laro, mag-uunahan din ang TNT at Meralco sa pagtatayo ng 1-0 bentahe sa kanilang semis showdown.

Pinasibat ng No. 1 Tropang Giga ang No. 8 Phoenix Fuel Masters, 132-105,, samantalang itinakas ng No. 4 Bolts ang 113-107 overtime win laban sa No. 5 Magnolia Hotshots sa quarters para itakda ang ka­nilang semis wars.

vuukle comment

PBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with