^

PSN Palaro

Team Philippines kayang mag- No. 2—POC

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

Sa Vietnam sea games

MANILA, Philippines — Aminado ang Philippine Olympic Committee (POC) na mahihirapan ang bansa na ipagtanggol ang overall crown sa darating na 31st Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam sa Mayo.

Kaya naman magiging kuntento na ang POC sa pagbaba ng Pinas sa No. 2 sa overall championship ng nasabing biennial event na nakatakda sa Mayo 12-25.

“Kaya pa rin nating i-defend pero talagang uphill battle,” wika kahapon ni POC president Abraham ‘Bambol’ Tolentino. “Remember we were No. 1 overall champion, ilan ang lamang natin ng nasa likod natin.”

Kumolekta ang Team Philippines ng kabuuang 149 gold, 117 silver at 121 bronze medals nang ma­ging host ng SEA Games noong 2019 kasunod ang Vietnam na may 98 golds, 85 silvers at 105 bronzes.

“Ang lamang natin sa Vietnam is 40 plus golds, eh binawasan ni Vietnam ng 30 plus golds ang events kung saan tayo naka-gold. So simple mathematics na lang iyon. So talagang uphill battle,” dagdag ng POC chief.

Bukod sa coronavirus disease (COVID-19) ay kinakaharap din ng Team Philippines ang kakapusan sa pondo.

Kaya napilitan ang POC  na tapyasan ang na­unang bilang na 627 athletes sa 584 na magdedepensa ng korona sa Vietnam SEA Games.

Wala na ring tsansa ang mga atletang sumalang sa mga international training dahil sa pandemya.

vuukle comment

POC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with