Ancajas pababagsakin si Santiago
MANILA, Philippines — Aminado si Filipino boxing sensation Jerwin Ancajas na hindi naging impresibo ang kanyang huling laban sa harap ng mga American boxing fans noong Mayo sa Fresno, California.
Kaya naman nangako kahapon si Ancajas na patutumbahin niya si Mexican challenger Alejandro Santiago bukas (Manila time) sa Oracle Arena sa Oakland, California.
“The last fight, we weren't that impressive,” wika ni Ancajas sa kanyang unanimous decision win laban kay Cebuano challenger Jonas Sultan noong Mayo 26.
“This time, we trained hard and long. We did things that we didn't do before, and we'll try our best to come up with a better performance this time,” dagdag ng tubong Panabo, Davao del Norte.
Idedepensa ni Ancajas ang kanyang suot na International Boxing Federation super flyweight crown sa ikaanim na sunod na pagkakataon.
Dadalhin ng 26-anyos na si Ancajas ang kanyang 30-1-1 win-loss-draw ring record kasama ang 20 knockouts sa pagsagupa sa 22-anyos na si Santiago (16-2-4, 7 KOs).
Wala namang ibang hangad si Santiago kundi ang agawin kay Ancajas ang bitbit nitong IBF super flyweight belt.
“This means a lot to me. I turned pro eight years ago. I've been training really hard for this fight. I am going to do my best to take this title with us,” ani Santiago.
Hindi man niya maagang mapatumba si Ancajas ay handa si Santiago na makipagbakbakan hanggang round 12.
“I prepare myself for 12 rounds. I won't go in there looking for the knockout. I'm going to go in there and try and win the rounds,” wika ng Mexican fighter.
- Latest