^

Bansa

95k COVID contact tracers kailangan – DOH

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
95k COVID contact tracers kailangan � DOH
Sinabi ni Health Undersecretary Ma. Rosario Vergeire na 126,000 contact tracers ang ideal na kaila­ngan ng pamahalaan kung saan mayroon nang 38,000 buhat sa mga lokal na pamahalaan kaya 95,000 ang kailangang punuan ng nasyunal na pamahalaan.
PCOO, file

MANILA, Philippines — Upang mas maging epek­tibo sa pagtukoy sa mga taong may COVID-19, na­ngangailangan pa ang Department of Health (DOH) ng 95,000 contact tracers na susuwelduhan ng pamahalaan para hanapin ang mga nahawa ng virus.

Sinabi ni Health Undersecretary Ma. Rosario Vergeire na 126,000 contact tracers ang ideal na kaila­ngan ng pamahalaan kung saan mayroon nang 38,000 buhat sa mga lokal na pamahalaan kaya 95,000 ang kailangang punuan ng nasyunal na pamahalaan.

Tatanggap ang mga makukuhang contact tracers ng suweldo base sa salary grade na itinatadhana ng civil service law. Binubuo pa ng pamahalaan ang mga ‘minimum qualifications’ para sa naturang posisyon.

Inaasahan na makakatulong ang naturang trabaho sa mga manggagawa na nawalan ng empleyo ngayong panahon ng pandemya dahil sa pagkalugi ng mga negosyo. Una nang sinabi ng Department of Finance na nasa 1.2 hanggang 1.5 milyong Pilipino ang pansamantalang nawalan ng trabaho.

Samantala, naglunsad ang DOH ng isa pang telemedicine site na healthknow.ph kung saan maaaring makipag-video call sa mga doktor ang mga pasyente na kailangan ng konsultasyong medikal.  

Libre ang serbisyo at bibigyan ng 15 minuto ang isang caller para magpa­konsulta. Dahil limitado ang oras, dapat ilista na agad ng caller ang kanilang mga kundisyon na nararamdaman tulad ng body temparature at blood pressure habang mga ‘over the counter’ na gamot lamang ang mairereseta ng mga doktor.

vuukle comment

COVID-19

DEPARTMENT OF HEALTH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with