^

Bansa

Mandatory immunization, bidding sa vaccines vs COVID isinulong

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Mandatory immunization, bidding sa vaccines vs COVID isinulong
Ayon kay Tan, mahalaga na ituloy ng gobyerno ang immunization program habang nasa gitna ng community quarantine para masiguro na protektado ang mga bata mula sa hinaharap na pandemic.
AFP/Wang Zhao

MANILA, Philippines — Isinusulong ni House Committee on Health chairman at Quezon Rep. Angelina Tan ang mandatory immunization competitive bidding para sa bakuna sa gitna ng COVID-19 pandemic para mapigilan ang ilan pang outbreaks sa hinaharap.

Ayon kay Tan, mahalaga na ituloy ng gobyerno ang immunization program habang nasa gitna ng community quarantine para masiguro na protektado ang mga bata mula sa hinaharap na pandemic.

Dahil dito kaya giit ng kongresista na dapat masiguro na ang procurement process sa bakuna ay gagawin na walang sinumang manufacturer at specification sa bidding ang mapapaboran.

Sa ginanap din pagpupulong, sinabi ni Health undersecretary Ma. Rosario Vergeire na sinuspinde na ng DOH ang bidding para sa Pneumoccoccal Conjugate Vaccines (PCVs) matapos na punahin ng mga medical experts na may pinaborang manufacturer.  

Nabatid na nag-request ang DOH sa Health Technology Assessment Center (HTAC) na i-review ang National Immunization Program (NIP) partikular na ang Pnuemococcal Vaccination Program para sa mga bata sa gitna ng mga bagong ebidensiya mula sa World Health Organization noong 2017 at 2019.

Ayon naman kay Dr. Lulu Bravo, epidemiologist na ang bagong ebidensiya sa PCV ay kamakailan lang lumabas kaya iginiit ni Tan na simulan na ang procurement process para mabuksan ang kumpetisyon at makatipid ang gobyerno.

Samantala, naghain naman si Padayon Rep. Adriano Ebcas ng resolusyon na humihikayat sa DOH na siguruhin ang ligtas na implementasyon ng National Immunization Program para sa mga bata sa kabila ng kinakaharap na hamon ng COVID pandemic.

vuukle comment

COVID-19 VACCINE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with