^

Bansa

11 estudyante mula Cebu, nagpositibo sa COVID-19 nang dumating sa Maguindanao

Rhoderick Beñez - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nagpositibo sa COVID-19 ang 11 estudyanteng kakauwi lamang ng Maguindanao mula Cebu sa pamamagitan ng Balik-Probinsya program ng gobyerno.

Sinabi ni IPHO Maguindanao chief Dr. Elizabeth Samama na dahil sa naturang mga bagong COVID-19 cases ay umaabot na ngayon sa 13 ang confirmed cases ng naturang virus sa lalawigan.

Nabatid na meron namang dalawang probable cases at 52 suspect cases ang lalawigan kung saan tatlo sa mga ito ang nasawi.

Ayon kay Samama, karamihan sa mga bagong COVID positive cases sa lalawigan ay asymptomatic o walang nararamdamang sintomas ng virus.

Ang mga ito aniya ay nagkaka-edad ng 21 hanggang 28 taong gulang at mga residente ng Shariff Aguak, Sultan Kudarat, Datu Piang, Buluan, South Upi, Datu Odin Sinsuat at Datu Paglas.

Sa ngayon, tiniyak ni Samama na nasa stable namang kondisyon ang mga pasyente at nasa isang Isolation Facility ng Maguindanao Provincial Hospital.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with