#Buhagay
(Banat) - May 17, 2019 - 12:00am

Niño Tanly: “Ang pag-ibig, masarap pakinggan at madaling paniwalaan pero kung hindi mo kayang panindigan, huwag mo na lang sanang umpisahan para wala kang masaktan.”

 Tian Noco: “Hiwalayan na kung hindi ka na masaya. Walang gamot sa tanga kundi pagkukusa.”

Aldrian Batucan: “Kapag hindi ka mahal ng mahal mo, huwag ka magreklamo. Kasi may mga tao rin na hindi  mo mahal pero mahal ka. Kaya quits lang.”

Hannah Bacunawa: “Kapag nagmamahal tayo. Nagbibigay tayo ng halos hindi na natin kayang ibigay, kasi nga nagmamahal tayo.”

Valerie Viahna Arellano: “Ang tenga kapag pinagdikit,  parang puso ang kanyang porma.  Extension ng puso ang tenga. Kaya kapag marunong kang makinig, Marunong kang magmahal.”

Anafe Danven: Alam mo yung masakit ? Yung ikaw halos hindi mo makalimutan, tapos siya, halos hindi ka matandaan.”

Iveen Ragas: “Kapag hindi na sayo naglalambing ang mahal mo, isa lang ibig sabihin nun. It’s either busy na siya sa iba or hindi ka na lang talaga niya mahal.”

Mark Jayco Betia: “ Minsan, akala mo masaya ka  dahil may mahal ka na! Pero minsan, akala mo lang pala iyon. Kasi minsan, may darating pang iba! pero, handa ka ba manakit at magpaluha ng taong walang ginawa kundi ang mahalin ka?.”

Honey Tesa: “Ang paglimot sa taong mahal mo ay parang gumagawa ng mahirap na assignment. “Kung hindi kailangan,  hindi mo sana gagawin.”

Mae Oron: “ Hindi ko naman kelangan magtanong pa kung mahal pa niya ako. Yung kawalan lang ng oras at pambabalewala niya ay sapat na upang matauhan ako. “

Darema Rima: “Huwag mong sayangin ang time na ipagtapat sa isang tao na mahal mo siya. Lalo na kung alam mong mahal ka din niya. Dahil baka biglang dumating yung time na sure ka na. Siya naman,  meron ng iba!.”

Reglen Desma: “Hindi lungkot o takot ang mahirap sa pag-iisa. Kundi ang pagtanggap na sa milyong-milyong  tao sa mundo, Wala man lang nakipaglaban upang makasama ka.”

Wynwyn Villa: “Mahirap maging masaya. Mahirap tumawa kapag nasasaktan ka na. Mahirap magkunwari na ayaw mo ng umasa pero ang pinakamahirap sa lahat ay ang magmahal ako ng iba para lang makalimutan ka.”

Lina Ninz Regner: “ Hindi mo masasabing manhid ang isang taong piniling huwag pansinin ang nangyayari sa paligid niya. Dahil minsan, sa sarili niyang pang-unawa, kailangan niyang magtanga-tangahan para hindi na siya masaktan ng lubusan.”

Toni Mida:  “Pag may mahal ka na ginagawa ang lahat para sayo.  Huwag mo na hayaang mawala pa siya.  Dahil kapag nawala siya at nakuha na ng iba.Huwag mo na asahang babalik pa siya. Dahil baka hindi na siya bitiwan pa ng iba!.”

Marmar Bartes: “Hindi  man kita maabot ng tingin pero naririto ka sa isip ko.Hindi  man kita abot kamay pero nandito ka sa puso ko.Wala ka man sa tabi ko ngunit mananatili kang bahagi ng buhay ko.” 

BUHAGAY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with