^

Police Metro

92-anyos lola patay sa COVID

Cristina Timbang - Pang-masa

MANILA, Philippines — Bago pa man lumabas ang resulta ng kanyang test, namatay na ang isang 92-anyos na lola na kalaunan ay nakumpirmang positibong tinamaan ng COVID-19 sa Silang, Cavite.

Sa Facebook page ni Silang Mayor Socorro Poblete, ibinalita nito na pumanaw na ang lola at huli na nang nalaman ng mga kaanak na positibo ang matanda sa COVID-19.

Nagmula ang biktima sa  Brgy. Sabutan, Silang, Cavite at dati nang may iniindang sakit. Nakaramdam siya ng hirap sa paghinga at nagpati­ngin sa isang pribadong pasilidad. Agad siyang isinailalim sa standard swab test bilang pagsunod sa protocol subalit hindi pa man lumalabas ang resulta ay binawian na ng buhay.

Lumabas lamang ang resulta ng swab test ng lola noong Hunyo  2, kung saan positibo ito sa COVID-19.

Naka-isolate na ang buong pamilya ng namayapang matanda habang patuloy ang contract tracing sa mga hinihinalang nakasalamuha ng buong pamilya.

vuukle comment

COVID-19

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with