^

Balita Ngayon

Palasyo nangakong tutulong sa isyu sa USM

Pilipino Star Ngayon

NORTH COTABATO, Philippines – Nangako ang Malakanyang na tutugunan nito ang daing ng libu-libong estudyante na naipit dahil sa hindi pagkakasundo ng pangulo ng University of Southern Mindanao (USM) at grupo na nagnanais na mapatalsik siya sa puwesto.

Sinabi ni dating North Cotabato Gov. Emmanuel Piñol, na nagtapos sa USM, na sumagot sa kanya si Pangulong Benigno Aquino III sa kanyang text message nitong Huwebes kung saan humingi siya ng saklolo upang maayos na ang kaguluhan sa paaralan.

Dalawang linggo nang hindi nakakapasok sa paaralan ang mga estudyante ng USM dahil binarikadahan ng mga nagpuprotestang armado ng mga bato, yantok at itak ang gate ng eskuwelahan.

Nais ng grupo na bumaba sa puwesto si USM Presidente Jesus Antonio Derije mula pa noong Enero dahil sa umano’y maling pamumuno at pagwaldas ng pondo ng paaralan.

“Will have this looked into,” sabi ni Piñol, na miyembro ng Liberal Party, base sa kanyang text ni Aquino.

vuukle comment

AQUINO

DALAWANG

EMMANUEL PI

ENERO

HUWEBES

LIBERAL PARTY

NORTH COTABATO GOV

PANGULONG BENIGNO AQUINO

PRESIDENTE JESUS ANTONIO DERIJE

UNIVERSITY OF SOUTHERN MINDANAO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with