^

Balita Ngayon

Presyo ng bigas sa Sulu patuloy ang pagtaas

The Philippine Star

MANILA, Philippines – Patuloy ang pagtaas ng halaga ng bigas sa Sulu dahil sa kakulangan ng supply na epekto ng nangyaring kaguluhan sa Sabah.

Sinabi ni Sulu 1st District Rep. Tupay Loong na pababa ng pababa ang supply ng bigas sa probinsya kaya naman nagtataasan ang  halaga nito sa merkado.

Nakadepende ng 80 porsyento ang supply ng bigas ng Sulu sa Sabah, kung saan natigil ang pagdating ng mga ito sa bansa dahil sa patuloy na operasyon ng awtoridad ng Malaysia sa pagtugis sa mga nalalabing miyembro ng royal army ng Sultanato ng Sulu na si Jamalul Kiram III.

Umapela ang kongresista sa gobyerno na taasaan ang supply ng bigas sa kanilang probinsya na apektado rin ng kaguluhan sa Sabah na hanggang ngayon ay may gusot pa.

Nagtaasan na rin ang presyo ng mga pangunahing pangangailangan sa Tawi-tawi kabilang ang gasoline at diesel matapos matigil ang palitan ng mga produkto mula Sabah.

vuukle comment

DISTRICT REP

JAMALUL KIRAM

NAGTAASAN

NAKADEPENDE

PATULOY

SABAH

SINABI

SULTANATO

TAWI

TUPAY LOONG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with