^

Balita Ngayon

BFAR muling inulukang tanggalin ang Visayan sea fish ban

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hiniling ng isang grupo ng mga mangingisda sa Visayas ngayong Martes na bawiin na ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang fish ban sa Visayan Sea dahil naapektuhan nito ang kanilang kabuhayan.

Sinabi ng grupong Pamalakaya Fisheries and Marine Environmental Research Institute (FMERI) at Visayan Sea Fisherfolk Forum (VSFF) na napipinsala ng fish ban ang kabuhayan ng mga mangingisda sa rehiyon.

"The idea is to ban large-scale commercial fishing vessels from the 15-kilometer municipal fishing water and strictly enforce the rights of small fishermen to traditional fishing areas. However the current fish ban imposed by BFAR targets the “small fish’ and not the “big fish,” pahayag ni Pamalakaya vice chairperson Salvador France.

Ayon naman kay Victor Lapaz, tagapagsalita ng VSFF, dahil s fish ban ay marami nang mga mangingisda ang nahuhuli at nakukulong na lalong nagpapalala ng sitwasyong pangkabuhayan ng mga ito.

Aniya noong Linggo, 15 katao ang hinuli ng mga miyembro ng Philippine Coast Guard (PCG) dahil sa pangingisda sa Cebu.

Sinabi pa ni Lapaz na hinuli ng mga taga Coast Guard ang mga mangingisda na lulan ng F/B San Antonio.

Ayon sa PCG, dinakip nila ang mga mangingisda dahil sa paggamit ng "fine meshed nets and active gear" ngunit bigong mapatunayan kung tamban at mackerel nga ba ang kinukuha ng mga mangingisda.

Ipinagbawal ng BFAR ang panghuhuli ng tamban at mackerel. Ang fish ban ay nagsimula noong Nobyembre 15 at magtatapos sa Marso 15 ng susunod na taon.

Layon ng fish ban ang pagpaparami ng nauubos nang suplay ng tamban at mackerel sa Visayan Sea.

Ayon sa Pamalakaya, aabot sa 100,000 mangingisda ang apektado sa apat-na-buwang fish ban. Dennis Carcamo

vuukle comment

AYON

B SAN ANTONIO

BAN

BUREAU OF FISHERIES AND AQUATIC RESOURCES

COAST GUARD

DENNIS CARCAMO

FISH

MANGINGISDA

VISAYAN SEA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with