^

Probinsiya

Mayor kinasuhan sa overpriced thermal scanner

Victor Martin - Pilipino Star Ngayon
Mayor kinasuhan sa overpriced thermal scanner
Ang kaso ay pormal na inihain ni Atty. Errol Comafay Jr., residente ng Barangay Bulanao, Tabuk City sa tanggapan ng Ombudsman nitong Hunyo 29, 2020 laban kay City Mayor Darwin Estrañero dahil umano sa overpriced medical supplies at devices na gagamitin para sa panlaban sa COVID-19.
KrizJohn Rosales, file

SANTIAGO CITY, Isabela, Philippines — Sinampahan ng isang abogado ng kasong kriminal at administratibo sa tanggapan ng Ombudsman ang mayor ng Tabuk City sa lalawigan ng Kalinga dahil umano sa maanomalyang pagbili ng thermal scanner para sa COVID-19.

Ang kaso ay pormal na inihain ni Atty. Errol Comafay Jr., residente ng Barangay Bulanao, Tabuk City sa tanggapan ng Ombudsman nitong Hunyo 29, 2020 laban kay City Mayor Darwin Estrañero dahil umano sa overpriced medical supplies at devices na gagamitin para sa panlaban sa COVID-19.

Sa kanyang sinum­paang salaysay, sinabi ni Comafay na kabilang sa mga overpriced na medical supplies na binili ng lokal na pamahalaan sa pamamagitan ni Estrañero  ay ang thermal scanner na umabot sa P12,000 bawat isa kung saan gumastos ang LGU ng P1.2 million para sa 100 piraso ng thermal scanner.

Ayon kay Comafay, maliwanag na maano­malya ang pagbili dahil base sa Memorandum Order No. 2020-0131 ng Department of Health (DOH), ang pinakamurang thermal scanner ay mula P599-P3,400 kada piraso lamang. Mataas din umano ang pagbili ni Estrañero sa iba pang mga medical supplies tulad ng thermal scanner gun, alcohol, PPE jacket at PPE with shoe cover and glasses.

Sa kabuuan ay nasa P1,962,575 ang nasa­yang umano na pondo ng lokal na pamahalaan dahil sa mga overpriced na kagamitan.

Idinawit din sa kaso ang isang pharmaceutical company sa lungsod ng Cauayan sa Isabela.

Depensa naman ni Estrañero, pino­politika lamang siya ng mga naghain ng kaso para sirain ang kanyang imahe.

vuukle comment

THERMAL SCANNERS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with