^

Bansa

Higit 300 illegal POGOs nasa bansa – PAOCC

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Mahigit 300 umano ang bilang ng mga iligal na Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) sa bansa, ayon sa Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC).

Sa pagdalo ni PAOCC Undersecretary Gilbert Cruz sa Kapihan sa Manila Bay, sinabi nito na sa simula, posibleng may mga lisensiya ang mga POGOs subalit hindi na muling mag-aaplay sa oras na malaman na hindi na sila ire-renew bunsod ng ilang mga paglabag.

Ayon kay Cruz, hindi siya naniniwala na walang alam ang local government unit sa pagkakaroon ng “POGO hubs.”

Makikita sa mga gusali nito ang pulang watawat at mga ilaw sa umaga at gabi na indikasyon na may POGO operation.

Nabatid kay Cruz na iniimbestigahan na rin ang ilang opisyal ng LGUs kung saan natagpuan ang mga POGOs.

Samantala, sinabi naman ni Interior and Local Government Secretary Benjamin Abalos Jr. na bubuo sila ng isang task force para malalimang imbestigahan ang ni-raid na POGO hub sa Porac, Pampanga.

Ayon sa kalihim, pinagre-report na nito ang regional director ng DILG sa Central Luzon kaugnay ng operas­yon ng naturang POGO facility.

Giit ng kalihim, nais nitong maberipika kung wala nga ba talagang permit ang naturang POGO hub at kung paano tumagal ang operasyon ng naturang POGO sa Porac.

Magiging batayan naman ang imbestigasyon ng task force sa irerekomenda ng DILG kung may mga opisyal bang dapat na managot dito.

vuukle comment

POGO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with