^

Bansa

Kaalyado ni Duterte 'VP Robredo-Sara' ang manok sa halalang 2022

Philstar.com
Kaalyado ni Duterte 'VP Robredo-Sara' ang manok sa halalang 2022
Litrato ni presidential candidate at Bise Presidente Leni Robredo (kaliwa) at VP candidate Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio
Philstar.com/Jazmin Tabuena; Presidential Photos, File

MANILA, Philippines — Bagama't bahagi ng administration party na PDP-Laban, ang opposition presidential bet na si Vice President Leni Robredo ang magiging pambato ni Albay Rep. Joey Salceda sa 2022 — ito habang ikinakampanya niya ang presidential daughter na si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio sa pagkaikalawang pangulo.

Una nang inendorso ng PDP-Laban (Cusi faction), kung saan miyembro si Pangulong Rodrigo Duterte, ang VP bid ni Sara habang iniiwan sa era ang katambal ng huli na si dating Sen. Bongbong Marcos na tumatakbo sa pagkapresidente.

"I am for Leni and Sara," wika ni Salceda sa isang pahayag, Huwebes, na taga-Bikol gaya ni Robredo.

"Both VP Leni and Mayor Sara are known for judicious and effective use of public resources in the offices and agencies they presided over. That will be very crucial given our post-pandemic fiscal space."

Aniya, matagal na niyang kaibigan ang pareho at pinag-aralan na raw niya ang mga plano ng dalawa para sa taumbayan — bagay na "swak na swak" daw kung economic development ang isasang-alang-alang.

Mahigpit na katunggali ng mga Duterte si Robredo dahil sa pagiging kritiko ng huli sa madugong "war on drugs," isyu ng karapatang pantao, atbp.

Itinatakwil din ni Robredo ang Martial Law na ipinataw ng diktador at ama ni Bongbong na si dating Pangulong Ferdinand Marcos, na siyang nagpakulong sa 70,000 katao, nagpa-torture sa halos 34,000 at nagpapatay sa nasa 3,200. Kasalukuyang nasa ilalim ng kontrobersyal na UniTeam Alliance sina Bongbong at Sara.

Una na raw inanunsyo ng naturang mambabatas ang suporta niya kay Leni sa forum ng 500 lokal at foreign investors, bagay na "well-recieved" naman daw.

"Meanwhile, my party, PDP-Laban, has endorsed Mayor Sara, but has not announced its support for any presidential candidate. Hence, we party members are free to choose according to our own judgment and conviction," dagdag pa ni Salceda, habang sinasabing hindi siya nag-iisa sa PDP-Laban na Robredo-Duterte ang susuportahan.

"Leni-Sara is not a hostile combination as some would suggest. These two were friends, who can work together if they both win. In 2015, Mayor Sara and then Congresswoman Leni even went out together on a casual meal while their presidential candidates were duking it out."

Propesyunal naman daw ang dalawang babaeng kandidato sa pinakamatataas na posisyon ng gobyerno habang "obsessed" daw  sa pagdadala ng positibong resulta sa taumbayan.

Una nang inendorso ng PDP-Laban ang presidential candidacy ni Sen. Christopher "Bong" Go, ngunit umatras sa pagtakbo ang nabanggit.

Matatandaang sinabi ni Digong na "gumagamit ng cocaine" ang isang 2022 presidential candidate. Mula sa mga naunang clue na kanyang ibinigay, iniisip tuloy nang marami na si Bongbong ang kanyang tinutukoy, na kalauna'y nagsubmit din ng kopya ng kanyang "drug test." — James Relativo at may mga ulat mula kay Xave Gregorio

vuukle comment

2022 NATIONAL ELECTIONS

BONGBONG MARCOS

JOEY SALCEDA

LENI ROBREDO

PDP-LABAN

SARA DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with