Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Kalbaryo!

Mukhang natatakpan ng mainit na baliktaktakan sa isyu sa politika, ang mga problemang kinakaharap ng marami nating ordinaryong mamamayan sa kasalukuyan.

Mainit ang usapin sa EJKs, nandyan ang tapyasan ng budget ng ilang mga tanggapan ng pamahalaan, impeachment, Customs issue at iba pang mga sinisiyasat lalo na ng mga mambabatas.

Madalas nauuyam na ang mga ordinaryong mamamayan dahil nga sa tila nagpapasikatan na lamang sa mga naka-live na hearing.

Oo nga’t mahalaga rin ang mga isyu at kaganapang ito, pero sa huli, ang concern ng maraming ordinaryo nating mga kababayan ay ang pahirap o kalbaryong dinaranas nila sa araw-araw.

Nandyan na nga ang walang humpay na trapik lalu na kahabaan ng EDSA at ilan pang pangunahing mga lansangan sa Metro Manila.

Lalu na nga ngayon at pumasok na ang ’ber months’ dobleng trapik ang inaasahan, kaya dobleng kalbaryo rin ito sa mga motorista.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Walang masulingan ang marami, dahil yung ayaw ma-trapik nagtitiyaga sa mahabang pila sa MRT, at ang problema halos-araw-araw yata itong nagkakaaberya na ikinadidismaya ng maraming mananakay.

Baka kailangan na rin itong matingnan ng mga opisyal ng pamahalaan.

Habang nito lamang nakalipas na Martes sa pagragasa bagyong si Maring na nagdala ng malakas na pag-ulan, nalubog sa baha ang maraming lugar sa Metro Manila.

Dito nga natuklasan sa ibang lugar, eh sinadyang barahan ang mga daluyan ng tubig para magbaha at pagkakitaan.

Natuklasan din ang sangkaterbang basura na bumara sa mga pumping station isa rin sa dahilan kaya mabilis ang pagtaas ng baha.

Hindi rin halos napapansin , ang nadadalas ng pagtaas sa presyo ng petrolyo, na ngayon nga ay kasunod nito, nakaamba ang pagtataas ng pasahe.

Ilan lang yan sa mga problema ng mga nakakarami na sana raw ay mabigyang pansin ng pamahalaan, kasi ang araw-araw nilang pamumuhay ang naaapektuhan.

 

 

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: