PSN Home Skinning Left , pagematch: 1, sectionmatch:
PSN Showbiz ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Fans nagwawala sa mababang boto ni Maricel kina Anne and Nadine!

Bomba ni Allen Special Jury Prize sa Poland

PIK: Congratulations kay Allen Dizon, sa child actress na si Angellie Nicholle Sanoy, at sa buong team ng pelikulang Bomba (The Bomb) na lumaban sa katatapos lang na 33rd Warsaw Film Festival sa Poland. Nakuha nina Allen at Angellie ang Special Jury prize for Acting, na bale second place sa grand winner.

Malaking karangalan daw ito sa kanilang pelikula kung saan lumaban ito sa labing-limang pelikulang mula sa iba’t ibang bansa kagaya ng Russia, Iran, Germany, Thailand, at France.

Matindi pa raw ang mga judge na karamihan ay galing pa sa Eastern Europe kagaya ng Poland, Croatia, at Ukraine.

Bahagi ng mahabang post ni Dennis Evangelista na manager ni Allen at producer ng pelikulang ito na idinirek ni Ralston Jover, “My Bomba (The Bomb) actor are considered the Best Actor and Best Actress of this A List Film Festival located at Eastern Europe.”

Ito ang pelikulang nabigyan ng X rating ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB), na kinunsidera at nakakuha ng R-16 rating sa second review.

PAK: Sabado sa Bolivia nang dumating ang pambato natin sa Reina Hispanoamericana 2017 na si Winwyn Marquez.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Isa siya sa pinakamaagang dumating para makapag-adjust pa raw sa halos dalawang araw na biyahe. Inaasahang magdaratingan na rin ang ibang mga kandidata at unti-unting nararamdaman na raw doon ang ‘Reina fever’.

Reina ang tawag sa mga kandidata kaya si Wyn ang Reina Filipinas na kauna-una­hang kandidata ng ating bansa at ng buong Asia. Kaya sa kanya nakatutok ngayon hindi lang ang Pilipinas kundi ang buong Asia.

Nangunguna nga raw ngayon si Wyn sa online voting, na ang mana­nalo ay pasok na sa finalists at maki­pagtunggali sa question and answer portion.

BOOM: Ang laking isyu sa fans nina Nadine Lustre, Anne Curtis, at Ryan Bang ang score na ibinigay ni Maricel Soriano sa tatlo.

Kung anu-anong panlalait tuloy ang inabot ni Maricel dahil sa ibinigay niyang 6 na score sa team ng tatlong nabanggit. Hindi nga raw fair ang pagbigay ng score ni Maricel dahil ang laki ng diperensya sa ilang team na nag-perform.

May ilan pang nagkomento na parang may tama raw si Maricel kapag nagsasalita ito. Hindi ko naman napanood ang nasabing episode, pero nakita ko nga sa social media na isa siya sa umupong judges sa It’s Showtime. Medyo nagulat lang kami dahil alam naming close si Maricel sa mga taga-Eat Bulaga lalo na sa isa sa mga producer na si Malou Fagar.

Ano kaya ang reaksyon ni Ma’am Malou sa apperance ni Maricel sa It’s Showtime?

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us:
PSN Home Skinning Right, pagematch: 1, sectionmatch: