PSN Home Skinning Left , pagematch: 1, sectionmatch:
PSN Showbiz ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Marian magde-design na rin ng fashion accessories!

Sunud-sunod ang endorsements ni Marian Rivera at pabonggahan ang pictorial para sa print ad niya. Ang ganda ng concept ng pictorial nito para sa isang dental clinic at hindi nagpahuli ang pictorial ni Ma­rian para sa Kultura Filipino na sa November 9, ang launching kay Marian as their first celebrity endoser.

Plano raw ng Kultura Filipino na ihiwalay sa SM Department store ang kanilang puwesto at magkaroon ng sariling store na sinimulan sa SM Megamall.

Isa pang nagpapa-excite kay Marian ay ang colla­boration niya with Kultura Filipino kung saan, magde-design siya ng accessory line at sisi­mulan niya sa pearl.

Tanong ng press na bumisita kay Marian sa taping ng Super Ma’am na kanyang pinagbibidahan kung kaya pa ng schedule niya ang makipag-collab dahil sa taping. Sabi nito, kayang-kaya dahil hindi naman siya whole week nagti-taping.

Itinanggi naman ng manager ni Marian na si Rams David ang tsikang ayaw ng aktres na pahabain pa ang Super Ma’am, lalo’t gusto niya ang show at napapalapit siya sa mga bata. Kung totoong extended up to January 2018 ang action-fantasy series, matutuwa nito ang televiewers.

Mark Zambrano, asawa na si Aicelle!

Nagtatanong ang fans nina Aicelle Santos at Mark Zambrano kung kasal na ang dalawa dahil sa caption ng huli sa Instagram (IG) ni Aicelle sa picture nilang magka­yakap ay, “Mahal na mahal na mahal po kita asawa ko!”

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Hindi raw magkakalakas ng loob si Mark na tawaging “asawa ko” si Aicelle kung hindi pa sila kasal. Ang tanong ng fans, kailan at saan ikinasal ang dalawa?

Samantala, first time ulit nagkasamang mag-perform sina Aicelle at Jona na may tsikang nakasamaan nila ng loob ni Maricris Garcia noong buo pa ang grupo nilang La Diva. Nangyari ang pagsa­samang mag-perform ng dalawa sa first night ng R3.0 anniversary concert ni Regine Velasquez.

May fans pa pala ang La Diva at masaya silang napanood na magkasama sina Jona at Aicelle.

Kim sanay sa isyu ng pagbubuntis

Sanay nang matsismis na buntis si Kim Rodriguez kaya dedma na ito sa lumalabas na nanganak na ito kaya matagal siyang hindi napagkikita. Sa presscon ng This Time I’ll Be Sweeter, labas ang pusod at tiyan ni Kim sa kanyang suot at walang nakitang stretchmarks.

Pati ang tsismis na may mga sasak­yan siyang ginagamit sa Uber ay itinanggi nito. Pero after ng pictorial ng Regal Multi Media Inc., movie na showing sa November 8, ay sinakyan naming taxi siya sumakay pauwi.

Anyway, sa This Time I’ll Be Sweeter, muling nagkasama sina Kim at Barbie Forteza na parehong ex ni Kiko Estrada.

Kris nagpapa-cute sa may GF

Balik sa kanyang routine si Kris Bernal sa madu­gong taping ng Impostora at wala itong reklamo lalo’t nag-decide ang GMA 7 na i-extend ang afternoon soap hanggang Jan­ua­ry 2018.

Kaaliw lang dahil may mga nag-aakusa kay Kris na nagpapa-cute kay Rafael Rosell. Alam ni Kris na taken na ang leading man niya at kilala at kaibigan pa ang GF nitong si Valerie Chia.

Nagpasalamat pa si Kris kay Valerie na noong bina-bash siya dahil sa sobrang payat daw ay isa ito sa nagtanggol sa aktres. Saka, nabanggit ni Kris na may non-showbiz guy na special someone niya. Kaya ‘wag na silang intrigahin ni Rafael.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us:
PSN Home Skinning Right, pagematch: 1, sectionmatch: