PSN Home Skinning Left , pagematch: 1, sectionmatch:
PSN Showbiz ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Vincent Daffalong may naiwang anak na singer!

Namaalam na ang rapper-comedian na si Vincent Daffalong na siyang nagpasikat ng comedy rap na Mahiwagang Nunal na ang music ay base sa hit song in 1979 na Funkytown ng American group na Lipps Incorporated ilang araw na ang nakalilipas.

Si Vincent who is Vincent Quilet in real life ay binawian ng buhay noong Huwebes sa isang pagamutan sa Balayan, Batangas sanhi ng kum­plikasyon sa kanyang sakit sa puso. He was 64. Si Vincent ay ama ng Star Music recording ar­tist na si China Gerona (Quilet) na siya ring umawit ng Philippine National Anthem sa laban nina Nonito Donaire at Jorge Arce noong 2012 na ginanap sa Toyota Center ng Houston, Texas.

Si Vincent ay naging kasamahan ko noon sa OctoArts International, ang record company na binuo ni Boss Orly Ilacad in January 1978 matapos magkahiwalay sila ng negosyo ng pinsan niyang si Boss Vic del Rosario.

Bukod sa kanyang signature hit song na Mahiwagang Nunal, ito’y nasundan ng iba pang hits tulad ng Machoching, Espraken Delight, Da, Da, Da, Manga, Putok, Mag-asawa’y ‘Di Biro, Bukol-Bukol, Okey Ba Ngayon, at Huwag Kang Maligo.

Bago sumakabilang-buhay si Vincent ay isa rin siyang radio anchor at events and show organizer.

Isang mabait at masayahing tao si Vincent noong ito’y nabubuhay pa.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Paalam, Vincent!

Tintin abala sa mga tiangge

Gaano man ka-busy sa kanilang respective career ang mag-asawang Julius Babao at Tintin Bersola-Babao, they make it a point na parati silang may oras para sa isa’t isa at sa kanilang dalawang anak na sina Anya (12) at Nio (7) lalo na pagdating ng weekend.

At twelve years old, napakatangkad na ni Anya at animo’y dalaga na. Napaka-supportive ng mag-asawang Julius at Tintin sa pagiging cosplayer ng kanilang panganay na gustong mag-aral ng college in Japan.

Samantala, bukod sa kanyang radio program sa DZRJ every Sa­turday, 3:30 – 4:30 p.m., ang Usapang BFFs, pinagkakaabalahan ni Tintin and Styled Pop Up Concept Store na matatagpuan sa East Wing, midlevel ng Shangri-La Plaza Mall na tatagal up to January 2018. Meron din siyang binubuong Circuit Makati Bazaar sa Celebrity Zone on November 17- 19, 2017 at Celebrity Foodie Fest on November 24-25 sa Shangri-La Plaza mall kung saan ang mga celebrity participants ay sina Mi­riam Quiambao (Tubo Cane Juice), Maricar Reyes-Poon (cholo liquor and cakes), Nikki Valdez (cakes and cookies), Janice de Belen (her yummy pork buns, polvoron and brownies), Ara Mina (Hazelberry cupcakes), Nene Tamayo (bottled gourmet tuyo, bangus, tinapa and chili), Niña Corpuz (Ilocos goodies and rum cake), Grace Lee (Kimchi and other Korean goodies), Tintin Bersola-Babao (pastillas, sweet seasons, cotton candy), Jan Marini Alano (JA Lees Chicharon, mushrooms, vegan stuff and supplements).

Meron ding Ayala Arca Bazaar in Taguig on December 2 & 3, 2017 kaya super busy ang misis ni Julius Babao na na-master na ang pag-orga­nize ng mga celebrity bazaars.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us:
PSN Home Skinning Right, pagematch: 1, sectionmatch: