PSN Home Skinning Left , pagematch: 1, sectionmatch:
PSN Showbiz ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Dalawang direktor parang hindi babae sa mga lumalabas sa bibig!

Dalawang babaeng direktor ang pinagtuunan ng kuwentuhan ng mga magkakaumpukang taga-showbiz isang gabi. Magkaiba ang kuwento ng dalawang lady directors.

Isang kung makapagmura sa mga artista at sa production staff ay parang huling araw na niya sa mundo kaya itinotodo na niya ang kamumura. Kaila­ngan daw magmumog sa pulot ng palamurang babaeng direktor na ito.

Isa namang kapag naaapektuhan na ng agua de pataranta ay nakalilimot na sa kagandahang-asal kaya mura rin nang mura, nagkakalat ito sa mga okasyon, buti na lang at walang pumapatol sa kanya.

Kuwento ng isang miron sa umpukan, “’Yung babaeng director na pa­lamura, pasalamat siya at walang lumalaban sa kanya. Kung makapagmura ‘yun, e, parang wala nang bukas, lalo na sa mga talent (extra), parang siya ang nagpapakain sa mga taong naghahanapbuhay nga para mabuhay.

“Kahit sa mga artista, parang may patago ang babaeng direktor na ‘yun, napakagaspang ng dila niya, ipinaglihi yata siya sa mura ng nanay niya!” sabi nito.

Komento naman ng isa pang miron, “’Yung isa namang lady director, kapag nasayaran na ng alak ang lalamunan, e, akala mo nakawalang buffalo sa kulungan!

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

“Grabe rin ang bibig ng babaeng ‘yun, kahit ang mismong may pa-party, minumura niya nang wagas na wagas! Kabastos! Huwag niyang asahan na walang papatol sa kanya, ha? Isang araw, sa mga ginagawa niyang kagaspangan kapag lasing na siya, e, makakakita rin ng katapat ang babaeng ‘yun!

“Kailangang pagbuhulin ang dalawang lady directors na ‘yun dahil parehong-pareho ang tabas ng mga dila nila! Parang wala lang kung magmura sila, naturingan pa namang sila ang captain of the ship!” inis na kuwento ng miron.

May ka-ex-deal na food chain ang produksiyon, na­tural lang na ang usapan ay bibigyan ng exposure ang food chain sa pelikula, ganito ang kuwento ayon sa aming impormante.

“Long shot, nahagip siyem­pre ng mga camera ang logo ng food chain. Aba, rumepeke na ang bibig ng palamurang director! ‘Put*#$%@ na! Ako ang direktor, hindi kayo, ako ang masusunod kung kailan ko gustong ipakita ang logo!’

“Sunud-sunod na mura na ang narinig sa paligid, mura nang mura ang lady director, hindi siya nahihiya sa mga taong nakapalibot sa shooting!

“Nagka-trauma na nga sa kanya ang isang young actress, takot na takot sa kanya ‘yung bata! Kailangan na siyang bigyan ng leksiyon! Pati ang walwal nang walwal na babaeng direktor, kailangan na ring may makatapat kapag nagwawarla siya!” madiing kuwento ng aming source.

Ubos!

Maricel nanibago matapos ang mahabang pahinga

Ikinaligaya ng mga fans ni Maricel Soriano ang isang linggo niyang pag-upo bilang isa sa mga hurado sa paglalaban-laban ng mga hosts ng It’s Showtime para sa kanilang ikawalong taong anibersaryo.

Medyo nadagdagan lang ng timbang si Marya, pero ang kakinisan at gandang meron siya ay nand’yan pa rin, walang kakupas-kupas ang Diamond Star.

Kung madetalye ang mga kasama niyang hurado ay may karamutan naman sa paglalarawan ng kanyang napanood na performance si Maricel. Hindi siya madetalye, halatang hindi siya kumportable, kaya ang palagi na lang niyang komento ay nasabi na ng ibang kasamahan niya ang gusto niyang sabihin.

Nakakapanibago nga siguro ang muling pagharap sa mga camera pagkatapos nang mahabang pagpapahinga. Ganu’n din kasi ang napansin namin nang maging judge si Aga Muhlach sa labanan ng mga beki sa noontime show.

Parang hindi rin kumportable ang guwapo pa ring aktor, nagtatanong pa nga ito kung ano ang kanyang gagawin, parang sobrang nanibago si Aga sa pagsalang uli pagkatapos nang mahabang bakasyon sa paggawa ng pelikula.

Hiling ng mga tagasuporta ni Maricel Soriano na nand’yan pa rin at hindi nagpapalit ng kulay ay mas madalas na raw sana siyang mapanood kundi man sa pelikula ay kahit sa telebisyon man lang.

Sayang nga naman ang pagkakataon, hindi dapat mabakante ang talento ng Diamond Star, hindi dapat mangalawang ang kanyang kapasidad na maraming dekada niyang pinaghirapan at iningatan.

Baklang-bakla pa ring magsalita si Maricel Soriano, isang tatak na tanggap na tanggap ng ating mga kababayan, at miss na miss na nila ngayon.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us:
PSN Home Skinning Right, pagematch: 1, sectionmatch: