PSN Home Skinning Left , pagematch: 1, sectionmatch:
PSN Showbiz ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Jona kinabog sina Morisette, Angeline, at Aicelle

Jessica Soho at Noli de Castro, hindi nagpatinag sa mga rebelde

SEEN: Sina Carmina Villarroel at Jean Garcia ang makakasama nina Miguel Tanfelix at B­ianca U­mali sa bagong primetime teleserye ng GMA 7 na pagbibidahan nila.

SCENE: Pinakamalakas ang palakpak kay Jona kesa kina Morisette Amon, Angeline Quinto, Aicelle Santos, at Julie Anne San Jose nang ipa­kilala sila ni Regine Velasquez sa song number nila sa anniversary concert ng Asia’s Songbird noong Sabado

SCENE: “Twinning” ang mag-amang Ogie at Nate Alcasid sa concert ni Regine Velasquez dahil terno ang mga kasuotan nila.

SEEN: Ang swimsuit photo shoot ang isa sa activities kahapon ni Winwyn Marquez sa 2017 Reina Hispanoamericana. Two-piece gray swimsuit ang isinuot ni Winywn sa pictorial ng beauty pageant na sasalihan niya sa Santa Cruz, Bolivia.

SCENE: Umaasa ang fans ni Matteo Guidicelli na magkakaroon ng special participation sa concert niya sa November 30 ang kanyang girlfriend na si Sarah Geronimo.

SEEN: Bukas ang red carpet premiere sa SM Megamall Cinema 7 ng The Barker, ang comedy movie ni Empoy Marquez. Si Dennis Padilla ang direktor ng The Barker at siya ang kinakabahan sa magiging resulta sa takilya ng kanyang unang movie directorial job.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

SCENE: Malakas ang loob nina Jessica Soho at Noli de Castro dahil nagpunta sila sa Marawi City noong Biyernes para sa kanilang live television report sa 24 Oras at TV Patrol, respectively, tungkol sa liberation ng siyudad mula sa Maute terrorist group.

SEEN: Walang karapatan ang fans na kuwestyunin ang mga low score na ibinigay ni Maricel Soriano sa mga celebrity contestant sa Magpasikat ng It’s Showtime. Si Maricel ang inimbitahan na maging hurado, hindi ang mga reklamador at abusadong fans.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us:
PSN Home Skinning Right, pagematch: 1, sectionmatch: