PSN Home Skinning Left , pagematch: 1, sectionmatch:
PSN Showbiz ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Regine humagulgol nang maalala sa concert si Mang Gerry

Regine Velasquez

Ipalabas kaya sa GMA 7 ang pag-abot ni Vice Ganda ng flowers kay Regine Velasquez sa first night ng concert ni Songbird sa MOA Arena the other night?

Kasama si Vice sa mga maraming celebrities na nanood ng first night ng R3.0 concert ni Regine. Halos nasa front row ang seat ni Vice.

Naunang nag-promote si Regine ng free concert ni Vice sa Araneta Coliseum kagabi para sa launching ng kanyang sariling make-up line kaya naman naging open na rin ang ABS-CBN sa pagpu-promote ng concert ni Regine na exclusive sa Kapuso network.

Anyway, nasa patron section din sina Judy Ann Santos with Direk Joyce Bernal, ang mag-asawang Gary and Angeli Valenciano, Mayor Richard Gomez and Rep. Lucy Torres, bagong kasal na sina Drs. Hayden and Vicki Kho. Andun din ang tao sa likod ng matagum­pay na career ni Regine, si Mr. Vic del Rosario kasama ang kanyang inspirasyon na si Ms. Joanne Quintas, at ang anak niyang si Vincent del Rosario.

Jampacked ang MOA at iba talaga ‘pag Regine. Bagama’t sinasabi niyang struggle ang buong journey ng concert niyang ito matapos mawalan ng confidence at magkaroon ng insecurities sa kanyang Silver concert five years ago, walang kupas ang galing niya. Actually, mas controlled na nga ang boses niya. Unlike before na super super birit siya. Mas masarap pakinggan at andun pa rin ang brilyo.

Pero talagang malaki ang natutunan niya at natakot siya sa nangyari noon na sa gabi ng kanyang 25th anniversary concert ay walang lumabas na boses niya.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Pakiamdam niya talaga ay tinuruan siya ng lesson ng Diyos na maluwag sa loob niyang tinanggap.

Kaya naman talagang umaapaw ang pasasalamat niya sa Diyos.

Pero ang talagang touching part na gabing ‘yun ay nang handugan niya ng kanta ang namayapang ama na si Mang Jerry.

First time niyang mag-concert na wala na ang ama kaya talagang humagulgol siya sa amang naging inspi­rasyon niya sa lahat ng tagumpay.

Highlight din siyempre sa first night ang pagkanta ng anak nila ni Ogie Alcasid, na naka-duet niya rin, na si Nate. Parang kinabahan ang bagets pero nakakanta naman siya na later ay sinamahan nina Donna Cruz and Mikee Cojuangco.

Aliw naman ang Urung-Sulong dance number niya with the bekis na naka-Regine outfit.

Kasama sa naging guest sa unang gabi ang young divas na sina Angeline Quinto, Julie Ann San Jose, Aicelle Santos, Jona, and Morisette.

Grabe talagang lahat sila kakaiba ang galing at nakipagsabayan kay Regine. Ang maganda lang kay Mrs. Alcasid, hindi siya madamot at walang katiting na insecurities sa mga batang singer.

Ang hinintay namin nun ay si Sarah Geronimo pero sa second night pala siya naka-line-up.

Iba ang repertoire ni Regine first and second night at iba rin ang line-up ng guests kaya may mga nanood na sa first night na nanood pa rin sa second night.

Congrats Regine at happy anniversary.

Dennis Trillo at Jennylyn Mercado

Tatay na tatay na Dennis join na sa family day ng anak ni Jennylyn

Amang-ama na talaga si Dennis Trillo sa seven-year old son ng girlfriend niyang si Jennylyn Mercado na si Jazz.

Kahapon ay sila ang magkakasama sa ginanap na Family Day sa San Matteo Rizal ng pinapasukang eskuwelahan ng anak ng aktres. Outdoor adventure ang concept ng Family Day.

Kasama ang actor na bida sa eereng primetime show ng GMA na The One That Got Away next year sa sampung member ng family ni Jazz, na pinangunahan ni Jennylyn, na nag-participate sa Family Day. Sila pa nga actually ang winner ng Biggest Family sa nasabing annual event ng isang exclusive school sa QC.

Kasal na lang ang hinihintay ng fans sa dalawang Kapuso stars na magkarelasyon.

Sinabi na ni Dennis na ayaw nilang makiuso sa mga kabi-kabilang proposal at wedding plans, pero sure na siya na si Jennylyn na nga ang para sa kanya.

In alll fairness, walang school activities ni Jazz ang pinalalampas ni Jennylyn kahit anong busy niya sa shooting, taping ang other showbiz commitments. Pero si Dennis first time kong nakita na kasama niya sa eskuwelahan.

Aside from Dennis, kasama rin nga pala nila ang tatay ni Jennylyn na active rin sa pagsama sa apo sa tuwing may event ito sa eskuwelahan.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us:
PSN Home Skinning Right, pagematch: 1, sectionmatch: