PSN Home Skinning Left , pagematch: 1, sectionmatch:
PSN Showbiz ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

GMA may handog sa mga walang pandinig!

MANILA, Philippines — Nangunguna ang GMA Network sa paghahatid ng dekalidad na serbis­yo sa mga Pilipino dahil ngayong Oktubre ay sisimulan na nito ang paglagay ng closed captioning service sa telebisyon.

Alinsunod sa Republic Act No. 10905 na hinihinging lahat ng “franchise holders or operators of television programs to broadcast or present their prog­rams with closed caption option,” mabibigyan ng mas ingklusibo at magandang viewing experience ang mga Pilipino, lalo na ang mga kababayan na­ting bingi o “hard of hearing people.”

Sa closed captioning option, mababasa ng mga manonood sa babang parte ng kanilang TV screen ang transkripsyon ng bawat eksena at maging ang iba pang elemento ng palabas gaya ng background music, effects, atbp.

Dumaan sa isang test broadcast ang closed captioning service ng GMA, na napanood sa Mission Impossible nitong Setyembre 28 sa ilalim ng Kapuso Movie Festival block.

Sa mas pinaganda at mas ginawang epektibong viewing experience, mapapanood na ngayong Oktubre sa mga pi­ling television models ang ilang mga palabas na may closed captioning option sa GMA Network at GMA News TV. 

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us:
PSN Home Skinning Right, pagematch: 1, sectionmatch: